CARLOS YULO, MATUTONG LUMINGON SA PINANGGALINGAN MO!
PAKAY lang ng korner na ito ang makumusta si Lolo Rigo, (Rodrigo Frisco) lolo ni Paris Olympics 2024 gymnastics double-gold medalist Carlos Yulo nang bisitahin ko siya sa Leveriza.
OPINION
Danny Simon
10/5/20244 min read


PAKAY lang ng korner na ito ang makumusta si Lolo Rigo, (Rodrigo Frisco) lolo ni Paris Olympics 2024 gymnastics double-gold medalist Carlos Yulo nang bisitahin ko siya sa Leveriza.
Para sa kaalaman ng madla, si Lolo Rigo lang naman ang matiyagang gumabay kay Carlos noong bata pa ito, nagsisimula pa lang sa pagta-tumbling sa 'Paraiso ng Batang Maynila' na isang parke sa Malate, sa harap ng Manila Zoo, at isang pukol lang ang layo sa kanilang tirahan sa Leveriza.
Dahil abala ang magulang noon ni Carlos, para sa ikabubuhay ng pamilya kung kaya si Lolo Rigo na ang naging guide nina Caloy, Ivan, at ilan pang apo niya.
Akay-akay ni Lolo ang musmos na Yulo at ibang bata sa Gymnastics gym na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz upang makinood ng tunay na aksiyon sa naturang sport na di pa tanyag noon dahil akala natin ay walang tsansa ang Pinoy sa ganitong uri ng tunggalian.
Hanggang maging gymnastics athlete si Caloy sa Aurora Quezon Elementary School sa San Andres, mula sa Scholastic, Regional hanggang Palarong Pambansa kung saan ay nagpapanalo na ang batang Leveriza, pero di nalalagay sa diyaryo dahil hindi pa nga sikat ang gymnastics sa 'Pinas.
Kaya noong nakilala ang Uppercut ni Lolo Rigo ay nakiusap siyang sana ay malagay sa diyaryo ang mga panalo ni Yulo at atin namang isinulat kaya laking gulat at tuwa nila, na nabasa sa diyaryo at naipakita ang mga kopya kina GAP secgen Danny Lopez at president Noel Buenaventura na nagbigay ng go-signal at kalauna'y nakapag- ensayo at tunggali si Caloy sa GAP gym na unang naghasa sa kanyang angking talento, and the rest is history.




Ang mga bagong 'Batang Paraiso' na umiidolo kay Carlos Yulo kasama si Lolo Rodrigo Frisco.
Si Lolo Rigo Frisco ang tunay na gabay ni champion Carlos Yulo na nagsimula sa Paraiso ng Batang Maynila.
MULTI- MILLIONAIRES' FAMILY. Kinumusta ng GilasNews ang matagal nang kilalang si Mang Rigo na lolo ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo sa kanilang tahanan sa Balangkit Leveriza sa Malate, Manila. Nagkataon na naroon din ang ina ni Yulo na si Gng. Angelica. Si Caloy ngayon ay naninirahan sa mala-Paraisong tahanan na nahihiga sa salapi at ang buhay ay hayahay. Si Lolo Rigo na naging giya ni Caloy sa pagiging gymnast noong musmos pa siya at si Gng Angelica ay subsob pa rin sa pagtitinda ng pagkain ay nananatiling payak ang buhay sa lunduyang malapit lang sa 'Paraiso'. Halata sa kanilang damdamin na wish nilang isang araw ay magbalik si Caloy para mayakap at mahagkan kahit walang ibigay na pera ay yaman na nila ang maalala sila bilang pamilya.


Nais lang ng korner na ito na sana ay makarating kay Carlos Yulo ang mensahe ni Lolo Rigo, (ang tunay na bayani sa likod ng telon) na instrumental kung bakit narating ni Carlos ang pedestal ngayon. Miss na raw ni Lolo Rigo ang kanyang apo, sana raw ay dumalaw siya sa kanyang dating bahay sa Leveriza, kahit walang perang ibigay, basta makita at mayakap lang siya ay pagyayamanin na niya sa nalalabing panahon ng kaniyang buhay
Sa tantiya ng korner na ito, tumitiyempo lang ang ating kampeon para makabalik sa kaniyang pinagmulang naghihintay partikular ang kaniyang inang si Angelica na nang ating madatnan sa kanilang bahay ay namumuhay lang ng simple, walang pagbabago, abala sa pagluluto ng pagkaing pambenta na dapat ay nakatira at namumuhay-reyna sa mistulang 'isang paraiso' dahil sa pagkakaroon ng pinagpalang anak na multi-milyunaryo ngayon dahil sa inambag na karangalan sa bansa
Lahat nang batang nangangarap at may ambisyon, ang dahilan ay upang maiahon mula sa kahirapan ang mga mahal sa buhay lalo na ang INA na nagsilang sa kanya. Pero bakit ganito ang nangyayari ke Carlos Yulo? Tumitiyempo lang ba na mawala ang anumang tampo? Sino kumukontrol sa 'milyones' niyang yaman pero ni KUSING ay di maambunan ang magulang? Di lang marahil ang nobya dahil me iba pa na nagma -money- obra.
Naantig ang aking damdamin nang makita ko mismo si Ginang Angelica sa kanilang simpleng tahanan sa kalyehon ng Balangkit sa Leveriza, Malate sa Maynila.
Nagra-rush siyang mag-isa para mai-deliver ang order sa kanyang yema order ng isang paaralan. Ang lamlam ng kanyang mata ay 'di dulot ng pagod dahil sanay na siya dito. Ramdam ko ang puno ng hinanakit, siphayo at ang mayakap ang magiting na anak na bayani na ng bansa. Di ko na siya tinanong tungkol sa isyu pero alam ko mis na mis na niya ang supling niyang si Caloy na siyang naninirahan ngayon sa isang paraisong ang higaan ay salapi at lahat ng kanyang naising sarap-buhay ay hayahay pero ang magulang, kapatid ay nasa payak lang na pamumuhay.
Sino mang kumokontrol kay Caloy..mag-isip kayo mga ALAHOY! ABANGAN!!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato