IN GOD WE TRUST

CASTELLANO VS MARIN SA NIXES,CARSIQO SUDOKWAN CHAMPIONSHIP NG PEC SA PASAY CITY

SAKSIHAN ang umaatikabong sagupaan sa sudokwan ng mga palabang protagonista sa hahataw na Nexis/ Carsiqo Sudokwan Championship ng PEC sa Pasay City sa darating na Nobyembre 14.

SPORTS

Ni Danny Simon

10/12/20261 min read

SAKSIHAN ang umaatikabong sagupaan sa sudokwan ng mga palabang protagonista sa hahataw na Nexis/ Carsiqo Sudokwan Championship ng PEC sa Pasay City sa darating na Nobyembre 14.

Ang pambato ng Quezon City na si Jan Wayne Castellano ay makaka-bakbakan ang Rizal pride na si Joefrey Marin sa 51 kg ng sudokwan sa inaasahang dadagsain ng fight enthusiasts at fans sa covered court ng Bgy.54 ng lungsod.

" Sakto ang match-up bawat fight card kaya asahan niyo ang eksplosibong salpukan ng ating mga fighters men and women plus kids division sa MMA,boxing,kickboxing at sudokwan. Kaya sa darating na Nobyembre 14..salpukan na!." wika ni Philippine Encuentro Championship/ Sudokwan Association, Inc. founding head at Catalan Fighting System chairman Rene Catalan( 2006 Asian Games Doha wushu gold medalist) kaalinsabay ng kanyang taos na pasasalamat sa Nixes Multinational Corporation,

Carsiqo,Pasay LGU,Bgy 54 head sa kanilang suporta sa Philippine Encuentro Championship-(PEC) Search for more Filipino Heroes.

Ang naturang kaganapan ayon kay Catalan ay bahagi ng requirement ng Philippine Olympic Commmittee at Philippine Sports Commission para sa kaukulang rekognisyon bilang regular na national sports association ang SAI.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...