CATALAN FIGHTERS WAGI NG 3 GOLDS,4 SILVERS AT 1 BRONZE MULA 1ST WUSHU C0MBAT WORLD CHAMPIONSHIP SA MALAYSIA

NAKAPAG-uwi kahanga- hangang 3 gintong medalya,4 na pilak at isang tanso ang best bets ng Pilipinas mula sa kanilang pagdayo sa Labuan, Malaysia na naging host ng 1st Wushu Combat World Championship na nagsimula ng Oktubre 15 hanggang nitong weekend.

SPORTS

Ni Danny Simon

10/20/20251 min read

NAKAPAG-uwi kahanga- hangang 3 gintong medalya,4 na pilak at isang tanso ang best bets ng Pilipinas mula sa kanilang pagdayo sa Labuan, Malaysia na naging host ng 1st Wushu Combat World Championship na nagsimula ng Oktubre 15 hanggang nitong weekend.

Pinangunahan ng mga pambato ng Catalan Fighting System ang paghakot ng karangalan nina Jerelyn Java - 52kg- GOLD na pride ng Region 6 (Iloilo) na sinundan ni Juro Manadoron -56kg.- GOLD- Region 8 Leyte at Rene Catalan Jr. 60kg.- GOLD-Region 6 Iloilo.

Nakuntento naman sina Blessy Acosta 56kg. -SILVER - Region 2 Nueva Vizcaya, Brookeshield Imperial 60Kg.-SILVER - Region 5-Bicol ,Edemel Catalan 52Kg.-SILVER -Region 6 Iloilo at John Nichole Camangeg- 85kg.- SILVER - NCR Region sa prestihiyoso ding medalyang pilak para sa Pilipinas.

Sa distaff side ay wagi si Renlyn Catalan sa 45Kg.- BRONZE - Region 6 Iloilo Tumayong Team Manager sa winning team si Brookeshield Imperial,Team Head Coach - Robin Catalan,Team Asst. Coach si Job Acosta at ang Team Female Coaches ay sina Renelyn Catalan at Meamore Dungngo.

“ Very proud po tayo sa paghandog ng karangalan para sa bansa ng ating fighters na sumabak sa world championship sa Malaysia. Bagama’t di ko sila nasamahan sa Labuan ay lumaban silang bitbit ang motibasyong karangalan para sa bayan.Maraming salamat po sa lahat ng suporta”, masayang wika ni Asian Games 2006 Doha wushu gold medalist Catalan na nasa pagamutan habang inaantay ang kanyang operasyon bunga ng natamong pagkuyog ng nasa 15 kataong siga sa Makati City noong Oktubre 12 sa Bgy. Tejeros.

Silver Medalists

Gold Medalists

Bronze Medalist