Cebu City Ph Traditional Martial Arts Championship 2024... GSF RAVEN SIKARAN MARTIAL ARTS SCHOOL ANG OVERALL CHAMPION

NAKOPO ng GSF Raven Sikaran Martial Arts School-Tanay ang unang overall title sa combat division ng idinaos kamakailang Cebu City Philippine Traditional Martial Arts Championship sa naturang lungsod.

SPORTS

Danny Simon

8/1/20241 min read

NAKOPO ng GSF Raven Sikaran Martial Arts School-Tanay ang unang overall title sa combat division ng idinaos kamakailang Cebu City Philippine Traditional Martial Arts Championship sa naturang lungsod.

Ayon kay GSF Tanay Raven Sikaran Martial Arts School Founder / President Crisanto Cuevas nanguna sa pagsubi ng kampeonato sa 7-8 year old category (GOLD) si Sean Kyrie Nagares habang silver ang naibulsa ni Yohan Brix Custodio.

Sa 11-12 y/o ay dinomina ni (GOLD) Zeus Ivads G. Matienzo at (SILVER) - Rhumgel Custodio. Sa 14 - 15 y/o ay pasiklab din si (SILVER)Troy Andy Nagares Gold ang nasungkit sa 18 Years old and above (CATEGORY 1) si Charles Darwin C. Cuevas.

Ang Category 2 Blackbelt ay pinagharian (GOLD) ni Sannoel B. Celestino. Dominado rin ang Category 3 Backbelt (GOLD) ni Jonel C. Catolos.

"Pugay sa ating mga magigiting na batang mandirigma sa larangan ng Sikaran.Tunay silang pride ng Tanay sa lalawigan ng Rizal. Salamat sa suporta ng aming LGU sa liderato ni Mayor Tanjuatco sa kanyang todo suporta sa mga bata", wika ni Master Cuevas, general secretary ng Global Sikaran Federation (GSF) ni founder Grandmater Hari Osias Caltolos Banaag na nakabase sa Estados Unidos.

Sa Junior Blackbelt ay kampeon (GOLD) si Tyron C. Reyes.