CELESTIAL AT KAP ESPINEDA SA OPENING NG DAYO 3X3 SA LOPE DE VEGA
DADAGSA ang mga kabataang Manileñong basketbolista ngayong araw ng Linggo partikular sa Lope de Vega sa Sta. Cruz upang makibahagi sa kumpetisyong 'tatluhan sa larangan ng basketball.
SPORTS
Danny Simon
7/7/20241 min read


DADAGSA ang mga kabataang Manileñong basketbolista ngayong araw ng Linggo partikular sa Lope de Vega sa Sta.Cruz upang makibahagi sa kumpetisyong 'tatluhan sa larangan ng basketball.
Inihahandog ng Kaizen PH Sports Apparel, SV, Sticker Asia, Moobi Wonderland, Frontrow,Luxxe White at JC2 Architecture Studio ang espesyal na kaganapang DAYO 3X3 na aarangkada sa Legendary Court ng Lope de Vega sa Maynila.
Panauhing pandangal sa naturang advocacy sports event sina Bgy. Chairman Ian Espineda at Architect Jessie Celestial ng JC2 Slashers ng Sinag Liga Asya.


Mga kabataang taal na taga- Lope de Vega at mga dayong koponan mula sa mga iba pang distrito sa Lungsod ng Maynila ang magtutungggalian para sa karangalan at magsisimula ang aksiyon ganap na 2pm onward.
'Tiyak na dagsa ng kabataang basketbolista ang ating kaganapan lalo ngayong sikat na sikat ang GILAS Pilipinas na nanggulat sa Europe at buong mundo nitong katatapos na Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia na nagsisilbing inspirasyon ng mga kabataan ngayon", wika ni Architect Celestial.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato