Central Luzon Region (CLR) LXV nagdiwang ng bonggang unang anibersaryo
MAKULAY na selebrasyon ang idinaos ng Central Luzon Region LXV - ang CLR45 First Year Anniversary na ginanap sa social hall ng punong headquarter nito sa Sucat, Paranaque City.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
10/22/20232 min read


MAKULAY na selebrasyon ang idinaos ng Central Luzon Region LXV - ang CLR45 First Year Anniversary na ginanap sa social hall ng punong headquarter nito sa Sucat, Paranaque City.
Pinangunahan ang pagdiriwang ni CLR45 Governor Rafael Agcaoili katuwang si Vice Gov. Edwin Salve at presidente ng mga eagles club na sina Kuyas Chito Deguit, Atty. Modesto Lacambra, Ferdinand Agpoon, Leo Bicaldo, Engr. Noel Abrigo, na nasa payong ng CLR 45 at may basbas ng The Fraternal Order of Eagles-The Philippine Eagles.
Full force ang pagdalo ng mga opisyal, miyembro at aspirante ng Metrowalk Ortigas Golden Eagles Club, Metrowalk Ortigas Commodore Eagles Club, Metrowalk Ortigas Blackhawk Eagles Club, Metrowalk Ortigas Captain Elite Eagles Club, Metrowalk Ortigas Admiral Eagle Club, Metro Ortigas Media Eagles Club at ang bagong mamamayagpag sa himpapawid na Golden Dragon Eagles Club sa timon ni journalist kuya Dani Gilas Simon.
" Nagagalak ang inyong lingkod dahil sa loob ng isang taon nating serbisyo ay nakatulong tayo sa tao at patuloy tayong maglilingkod sa ating kababayan partikular sa mga less fortunate mula sa mga maralitang taga - lungsod hanggang kanayunan. Of course katuwang natin ang mga bawat pinuno ng ating eagles club sa pakikipagtulungan ng ating mga ate o lady eagles at mga pinuno ng mga LGU's. Lalo ngayong mas dumarami pa ang ating mga ka-CLR 45 na handang tumulong at magsakripisyo para sa aspeto ng serbisyo publiko", wika ng United Nations lone Filipino Philantropist awardee, top brass ng RAEDANG Company, chairman ng Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. (GIBFI) Governor Agcaoili.
"Asahan ninyo ang patuloy nating isusulong na proyektong pang socio sibiko, outreach, feeding program, medical mission, tree planting, blood letting, SPORTS & ARTS clinics at iba pang community services. Lahat ng iyan ay taos - pusong serbisyo sa inyo at walang hangad na kapalit", ani pa Agcaoili.
Dumalo rin sa selebrasyon ang ibang eagles club representatives ng ibang rehiyon, civic organisasyon sa makinang na pagdiriwang sa koopearsyon ng Lady Eagle Club sa pangunguna nina Ate Mitz Sunico, Bing Patricio Mayo, Ma. Luz Bargan, Kuya Boni Bargan, Kuya Elmo Mayo, Kuya Enjel Manato, Kuya Jorge Pascua, Kuya Marc Batuigas, Hero 'Unwrapped' Lumen at Ate Joy Entusiasmo, G. at Gng Camitoc. High Five CLR 45, Mabuhay ang Aguila!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato