CFS PHILIPPINE ENCUENTRO SEARCH FOR FILIPINO HERO NGAYON SA MAKATI, BAKBAKAN NA!
ISANG ginintuang oportunidad ang naghihintay para sa masang entusiyastiko sa larangan ng ahedres sa pag-sulong ng buwenamanong Daily Fantasy Chess Grand Prix 2025 Open tournament online nationwide sa susunod na buwan ng Oktubre ng taon.
SPORTS
ni Danny Simon
9/26/20252 min read


NASA halos tatlumpung martial arts club ang maghaharap at magbabakbakan ngayong weekend sa pagpapatuloy ng Philippine Encuentro Search for Filipino Hero na idaraos sa Catalan Fighting System Gym sa Tejeros,Makati City.
Ayon kay 'Encuentro organizer Asian Games Doha,Qatar2006 wushu gold medalist Rene Catalan,Sr.,kumpirmado ang paglahok ng mga martial arts - MMA clubs at organisasyon na kinabibilangan ng KFA Binangonan, Kalasag Fight Camp, Ares MMA, King Stone MMA,RLIMA,Fabriga Team,Kamao ng Balderas,SUDOKWAN QCSCWD, Gm Rosales ADF boxing gym,Sprawl MMA, Fitness Gym N.J.E Martial Arts, Oragon,Boy chamba,CFS,Red Lotus MMA,IKKF Malabon,Knights MMA,Lapu-Lapu Strikers,Art of Juggler,AFC,Jab Street Boxing Gym,One Fitness/Asintado,Warayat limang 5 independents.
" Inaanyayahan po natin ang mga martial arts enthusiasts partikular sa Metro Manila na lumahok pa o saksihan ang mga de-kalidad na tunggalian sa ruweda.Exciting at balanse ang match- ups pati na exhibition weekend fights",wika ni Catalan -founding head ng Sudokwan Association of the Philipppines kasabay ng kanyang pasasalamat sa sumusuporta sa kaganapan tulad ng SUDOKWAN SYNERGREENS international,Batang Atleta,MASIV Sports,at AVC Destiny's Travel Services.
Asian Games 2006 wushu gold medalist Rene Catalan,Sr.








Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato