Champion caliber teams paparada .. NUCAA SEASON 2 SA MARSO 2

PAPARADA ang mga kalibreng kampeon na koponan sa grandeng pagbubukas ng National Universities and Colleges Athletic Association(NUCAA) Second Season sa Marso 2, 2024.

SPORTS

Danny Simon

2/20/20241 min read

PAPARADA ang mga kalibreng kampeon na koponan sa grandeng pagbubukas ng National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) Second Season sa Marso 2, 2024.

Ayon kay NUCAA Executive Director Leonardo Andres, nangunguna sa talaan ang defending champion PCCR kasunod ang IIHIS, ICCT, SPCBA, ELECTRON at tatlo pang koponang lalahok bago ang deadline ng team confirmation ng liga.

Ang mga kinatawan ng nabanggit na koponan ay dumalo sa idinaos na managers, coaches, sports coordinators at league officials meeting na pinangunahan ni NUCAA Chairman / CAB Executive Director Atty.Carmelo Arcilla sa Pasay City.

Nasa pulong din sina NUCAA VP Red Dumuk, deputy Executive Director Arlene Rodriguez,Treas. Bang Tumapat at Technical official JM Bernarte. Si Solomon Padiz,Jr. ang pangulo ng tinaguriang league of change.

Ang grand opening ng NUCAA Season 2 ay idaraos sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Naimbitahang espesyal na panauhin sa pambungad seremonya si Pasig Vice Mayor Dodot Jaworski, dating PBA player at anak ni PBA living legend, player/ coach Robert Jaworski, Sr.