CHESS WIZ KID CONSTANTE WAGI SA RATED FIDE RAPID TILT

Muling nagpakitang-gilas si Marius Constante matapos walisin ang pitong round sa 21st Noypi x Robinson's Magnolia Kids 13 under FIDE-Rated Rapid Chess Tournament noong Sabado, Setyembre 20.

SPORTS

9/22/20251 min read

Muling nagpakitang-gilas si Marius Constante matapos walisin ang pitong round sa 21st Noypi x Robinson's Magnolia Kids 13 under FIDE-Rated Rapid Chess Tournament noong Sabado, Setyembre 20.

Ang walong taong gulang na residente ng Novaliches, Quezon City, ay nagtagumpay laban kina Zyler Dayo, Elisha Caleb Lim, Keith Aldridge Gascon, Zachary Villavicencio, Ricky Ryan Besco, Ivan Cedric Licu, at Tito Lorenzo Balibalos.

"Iniaalay ko ito kay Mama (Mary Ann Zabanal Constante) dahil sinabi niya na gusto niya ng medalya bilang regalo ko sa kanya ngayong Pasko," wika niya.

Noong Hunyo, nasaksihan ng mga mahilig sa chess sa Kamaynilaan ang isang di malilimutang pagtatanghal ng husay, determinasyon, at tatag nang magningning si Marius sa isang kahanga-hangang pagganap.

Hinarap niya ang kanyang mas matanda at mas karanasang karibal sa dalawang araw na Metropolitan Chess Club Standard chess tournament. Nagtapos si Marius sa ika-8 pwesto na may 5.0 puntos mula sa pitong laro, na may limang panalo at dalawang pagkatalo.

Sina sportsman Jojo Legaspi at FIDE Master Noel Dela Cruz ang nagbigay ng lubos na suporta sa pagsasanay ni Marius. (DANNY SIMON)

Si Marius Constante, 8 taong gulang, kasama ang tournament director na si National Arbiter Richard Dela Cruz.