Chezka Centeno ng Pilipinas kampeon sa mundo

Sinargo ni Chezka ‘the Flash’ Centeno ang lahat ng balakid patungong pagsungkit ng kampeonato sa 2023 WPA World 10 - Ball Women’s Championship na ginanap sa Austria.

SPORTS

Danny Simon

10/23/20231 min read

Sinargo ni Chezka ‘the Flash’ Centeno ang lahat ng balakid patungong pagsungkit ng kampeonato sa 2023 WPA World 10 - Ball Women’s Championship na ginanap sa Austria.

Naibulsa ni Centeno ng Pilipinas ang pinakamalaking premyo sa women’s billiards

world championship na USD 50,000 o taginting na P2.8 million.

Pinataob ni Chezka ang 3x WPA 9-Ball champion Han Yu ng China ,9-5.

Si Yu ang dumaig kay Pinay bet Rubilen Amit quarterfinals

. Emosyonal at taas- noong tinanggap ni Centeno ang premyo sa saliw ng pambansang awit ng Pilipinas gayundin si 2-time WPA World champ Rubilen.

Unang hinataw ni Chezka si Xiaoting Pan ng China, 7-4, kasunod na biktima si Allison Fisher ng UK, 7-3, hinataw si Chao Chien Yu ng Taipei 9-2, minani si Melanie Sussengut ng Germany, 9-0, naugusan ang nakalaban uling si Fisher,9-8 sa semifinal tungo sa kampeonatong bakbakan kay Han,9-5.

Ang 24 -anyos na pride ng Zamboanga City ay produkto ng Philippine National Games at naging 4-time Southeast Asian Games gold medalist (2015, 2017, 2019 at 2021.