City of Pasig, bagong overall champion sa Batang Pinoy
TINANGHAL ang City of Pasig bilang bagong overall champion sa opisyal na talaan ng mga napanalunang medalya para kumpletuhin ang pagtatapos ng 2024 edisyon ng Batang Pinoy National Championships na ginanap sa Puerto Princesa sa Palawan.
SPORTS
Danny Simon
12/1/20241 min read


TINANGHAL ang City of Pasig bilang bagong overall champion sa opisyal na talaan ng mga napanalunang medalya para kumpletuhin ang pagtatapos ng 2024 edisyon ng Batang Pinoy National Championships na ginanap sa Puerto Princesa sa Palawan.
Kinolekta ng Pasig City ang 105 ginto, 64 pilak at 116 tanso upang maging bagong overall champion sa Batang Pinoy at putulin ang apat na sunod-sunod na pagwawagi sa kampeonato ng Baguio City sa torneo na para sa lahat ng kabataan na edad 17-anyos pababa.
Sinandigan ng Pasig na nagpadala ng kabuuang 771 atleta ang swimming kung saan nagwagi ito ng 11 ginto, 9 pilak at 11 tanso para sa 31 medalya habang nagkolekta din ito ng marami pang ginto sa 29 na iba pang pinaglabanang sports upang putulin ang ilang sunod nitong pagiging pangalawang puwesto lamang sa nahubaran ng titulo na City of Baguio.
Pumangalawa ang dating kampeon na Baguio City na nagwagi ng 92-72-89 (ginto-pilak-tanso) para sa kabuuang 253 medalya habang pangatlo ang Quezon City na may 59-55-53=167 medalya. Pang-apat ang Davao City na may 39-44-37=120 at panglima ang General Santos City. 36-30-40=106 medalya.
Iuuwi ng City of Pasig ang insentibo na P5-milyon sa pagiging kampeon habang P4-milyon para sa Baguio. Mayroon na P3-milyon ang Quezon City habang P2-milyon para sa Davao. Ang General Santos ay may P1-milyon.
Ipinagpasalamat naman ni Baguio City Sports Administration chief Gaudencio Jimenez Gonzales ang pagiging pangalawa matapos na malampasan nito ang kanilang napanalunang medalya nakaraang toan.
“It was a good fight. Mas mataas po ang medal output natin ngayon kumpara last year na may kabuoang 82 Golds, 52 Silvers, 59 Bronzes: 193 total,” sabi ni Gonzales.
“Ano man ang resulta o pumangalawa man tayo ngayong taon at di makamit ang 5-peat Overall Championship ay masaya at proud pa rin tayo kasi alam nating lumaban ang Team Baguio hanggang sa huling araw ng laro sa Team Pasig na mula umpisa ay nagunguna na sa ranking,” sabi ni Gonzales.
City of Pasig won as the overall champion in 2024 Batang Pinoy at RVM Sports Complex last Thursday.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato