CLR 45 HOSPITAL ITATAYO NI GOV. AGCAOILI

MISYONG nais tuparin ni Central Luzon Region 45 Governor Rafael Agcaoili ang magkaroon ng sariling pagamutan sa lahat ng miyembro ng Eagles Club ng naturang rehiyon na tatawaging CLR 45 Hospital.

NEWS

Danny Simon

12/14/20231 min read

MISYONG nais tuparin ni Central Luzon Region 45 Governor Rafael Agcaoili ang magkaroon ng sariling pagamutan sa lahat ng miyembro ng Eagles Club ng naturang rehiyon na tatawaging CLR 45 Hospital.

Sa kanyang opening speech sa ginanap na TFOE- CLR 45 - Raedang-Gilas Christmas Party, binigyang diin ng World Philosophical Forum Humanitarian Ambassador Awardee na si Agcaoili na kanyang pananatilihin ang mga aktibo at kakalusin ang mga inactive na miyembro ng club pero yayakaping buong-buo ang mga gumaganap bilang tunay na Agila lalo na ang mga kasalukuyang club presidents ng CLR 45 na intact ang miyembro at walang alitang internal sa kanilang samahan na aayon naman sa report at rekomendasyon ni CLR 45 vice governor Edwin Salve.

"Asahan ninyo na kung ano meron ang inyong kuya Gov., may laan din para sa lahat ng ating mga kasangga through thick and thin sa CLR 45 , GIBFI (Guardians International Brotherhood Foundation, Inc.) at Gilas, "pahayag ni Gov. Agcaoili na chairman din ng GIBFI na aktibo sa pagdaraos ng medical mission at pamamahagi ng feeding program sa kanayunan na dahilan upang mapansin ng United Nations at gawarang dakilang pilantropo ng bayan.

Optimistiko si Kuya Gov. na magiging produktibo ang susunod na taong 2024 sa napipintong pag-arangkada na ng mega project na North Cebu Economic Zone ( NCEZ) sa Medellin, Cebu na may basbas ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na pinamumunuan ni Director General Tereso Panga.

WPF Humanitarian Ambassador Awardee CLR45 Gov.Rafael Agcaoili