COACH RON CATUNAO: IKOT NA ANG 'WE COACH BASKETBALL CLINIC PARA SA KABATAAN NG PARAÑAQUE CITY DIST. ONE
PATULOY ang noble project sa Parañaque City District One ni Coach Ron Catunao handog niya sa kabataan.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
10/9/20242 min read


PATULOY ang noble project sa Parañaque City District One ni Coach Ron Catunao handog niya sa kabataan.
Sa pakikipagtulungan ng We Coach Philippines ay magaang naiimplementa ni Coach Ron ang kanyang nasimulan nang sports project partikular para sa mahal niyang kabataan sa kanyang balwarte sa Lunsod Parañaque - ang 'Free Basketball Clinic Ikot Barangay Edition.


"Matagal na nating naipatupad ito, salamat WeCoachPhilippines' kaya asahan ninyong lalawig pa ang mga ganitong proyekto kapag pinalad ang inyong lingkod na mahalal para Sangguniang Pang- Lungsod ng ating Distrito Uno", wika ni Coach Ron matapos maghain ng kanyang kandidatura para City Councilor."We Coach Philippines is a non profit and non government organization that focuses on promoting sports, education and character building for less fortunate children and aiming to help build their lives and give hope through sports".
Sa darating na 2025 midyear election,mas maraming celebrities at sports personalities ang sasabak sa national at local na bakbakan.
Isa na rito si Coach Ron Catunao, kilalang businessman/ sportsman na handa nang maging public servant sa kanyang balwarte sa District One ng Parañaque City.
Si Coach Ron ay sobrang kilala ng mga kabataan sa Paranaque dahil sa mga inoorganisa niyang basketball events at nagtuturo ng libre( basketball clinic).
Siya ang founder ng Philippine Aspire Basketball League( PABL) na nakapagdudulot ng ambisyon sa buhay ng mga kabataan at kabuhayan naman para sa workforce ng liga.
Si aspiring City Councilor Catunao ay nagko- conduct din ng libreng pagtuturo sa young and adult na taga- Paranaque para matuto ng martial arts o combat sports pang- competitive at self-defense dahil na rin sa kanyang koneksyon sa URCC MMA( main matchmaker) at iba pang katulad na larangan.
"Natupad na rin ang aming klamor o panawagan kay Coach Ron Catunao na RUN COACH RON! Suportado namin siya", pahayag ng mga kabataang benepisyaryo ng kanyang sports program.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato