COACH RON CATUNAO SABAK NA RING MAGSERBISYO SA PARAÑAQUE CITY

Sa darating na 2025 midyear election, mas maraming celebrities at sports personalities ang sasabak sa national at local.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

10/5/20241 min read

Sa darating na 2025 midyear election, mas maraming celebrities at sports personalities ang sasabak sa national at local na bakbakan.

Isa na rito si Coach Ron Catunao, kilalang businessman/ sportsman na handa nang maging public servant sa kanyang balwarte sa District One ng Parañaque City.

Si Coach Ron ay kilala rin ng mga kabataan sa Paranaque dahil sa mga inoorganisa niyang basketball events at nagtuturo ng libre( basketball clinic) sa pamamagitan ng kanyang Aspire Basketball partikular sa kanyang distrito.

Siya ang founder ng Philippine Aspire Basketball League (PABL) na nakapagdudulot ng ambisyon sa buhay ng mga kabataan at kabuhayan naman para sa workforce ng liga.

Si aspiring City Councilor Catunao ay nagko- conduct din ng libreng pagtuturo sa young and adult na taga- Paranaque para matuto ng martial arts o combat sports pang- competitive at self-defense dahil na rin sa kanyang koneksyon sa URCC MMA( main matchmaker) at iba pang katulad na larangan.

Kamakalawa ay nag-file na ng kanyang certicate of candidacy para City Councilor sa Distrito Uno si Coach Ron Catunao at natupad na ang klamor ng kanyang ka-lungsod na RUN COACH RON!