COACH TAM NG PAETE, LAGUNA MAYORALTY BET NG TEAM NUP

OPISYAL nang nanumpa bilang miyembro muli ng National Unity Party(NUP) si public servant/ sportsman coach Johnny Tam na naghahangad makapaglingkod bilang alkalde ng bayan ng Paete sa Laguna sa parating na 2025 midterm election.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

9/23/20241 min read

OPISYAL nang nanumpa bilang miyembro muli ng National Unity Party (NUP) si public servant/sportsman coach Johnny Tam na naghahangad makapaglingkod bilang alkalde ng bayan ng Paete sa Laguna sa parating na 2025 midterm election.

"Salamat po sa pagtanggap, GOByernong may DANgal, (Cong.) Dan Fernandez, Laguna Chairman (NUP), mananatiling tapat ang Team Pink sa NUP, walang iwanan, mabuhay ang Team Pink at NUP, " pahayag ni mayorable Tam katuwang si Vice to be Kap Peping Capco sa oathtaking ng NUP na pinangunahan ni Cong.Dan Fernandez ng GOByernong may DANgal at ang magigiting na lingkod bayan ng Cuatro Distrito ng Laguna na sina Cong.Atty Antonio( Tony)Carolino?, Bokal Kenneth Ragaza at Bokal Rei-aan San Luis.

Ang Team Pink ay nanumpa sa NUP kamakailan sa Solaire Resorts.

Si Tam ay naging basketball varsity player noong kanyang school days, naging coach ng Laguna Lakers sa MBL, Air 21 sa PBA at national coach men's basketball team .

Paete mayoraly aspirant coach Johnny Tam

Si Paete mayoraly aspirant, coach Johnny Tam kasama ang mga magigiting na lingkod-bayan na magsisilbi sa ika-apat na distrito ng lalawigan ng Laguna na sina Cong. Atty Antonio (Tony) Carolino, Bokal Kenneth Ragaza, Bokal Rei-aan San Luis sa nakaraang oath taking ng NUP Laguna sa sa pangunguna ni Cong. Dan Fernandez ng GOByerong may DANgal.