Cone sa Gilas 5, di dapat sobra-kumpiyansa vs HK at Taipei
Sa kabila na tinalo ng Pinas ang Chinese Taipei at Hong Kong sa mga nagdaan tournament, hindi pa rin nagkumpiyansa si coach Tim Cone at lagi niyang pinaalalahanan ang kanyang mga manlalaro maglaro nang husto at gamitin ang kanilang nalalaman at malawak na karanasan sa basketball masiguro ang panalo sa FIBA Asia qualifying sa 2024 Paris Olympics.
SPORTS
CLYDE MARIANO
2/19/20242 min read


Sa kabila na tinalo ng Pinas ang Chinese Taipei at Hong Kong sa mga nagdaan tournaments, hindi pa rin nag kumpiyansa si coach Tim Cone at lagi niyang pinaalalahanan ang kanyang mga manlalaro maglaro nang husto at gamitin ang kanilang nalalaman at malawak na karanasan sa basketball masiguro ang panalo sa FIBA Asia qualifying sa 2024 Paris Olympics.
“Philippines beat them in the past. It is not a guarantee we can do it in the year Olympics. The only way to succeed and reaffirm our supremacy is to play superior games out there and give the Filipinos who are cheering for us something to cheer for and happy,” sabi ni Cone.
“It’s a tough task playing against our two rivals. If necessary, we will not give them an inch and elbow room to mount an offensive,” wika ng 64 years American mentor taga Oregon permanently living in the Philippines with his Filipina wife and children.
Muling hinirang ang serbisyo ni Cone na hawakan ang koponan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas pinamumunuan ni Alfredo “Al” Panlillo.
Sumasagisag sa pamosong tawag Gilas Pilipinas, lalabanan ng mga Pinoy ang Chinese Taipei at Hong Kong in a pair of home and away games sa first window sa FIBA Asia Cup qualifiers. Nasa Group B ang Pinas kasama ang Chinese Taipei at Hong Kong.
Philippines ranked 38th, Chinese Taipei 78th and Hong Kong powered by the Chinese 119th.
Huling lumaro ang Pinas sa Olympics noong 1972 sa Munich, Germany coached by Ignacio “Ning” Ramos . Si Jaime Mariano flag bearer kasamang manlalaro sina William Adornado, Danilo Florencio, Freddie Webb, Edgardo Ocampo, Narciso Bernardo, Adriano Papa, Ricardo Cleofas, Marty Samson, Manuel Paner, Rosalio Martirez at Rogelio Melencio.
Mataas ang morale at fighting spirit ng mga Filipinos sa tagumpay nila sa Southeast Asian Games at Asian Games. Tiyak gagamitin ni Cone at nang kanyang mga manalalaro bilang “jumping board” sa kanilang pakikipaglaban sa Chinese Taipei at Hong Kong.
Bumalik si Justin Brownlee matapos ang ilang buwang temporary suspension at muling tutulungan ang mga Pinoy dala ang pangalang Gilas Pilipinas sa kanilang campaign sa FIBA Asia qualifying.
Binigyan si Brownlee ng FIBA clearance makalaro sa qualifying. Pansamantala sinuspende ang 35 years old American Filipino naturalized taga Atlanta, Georgia sa alleged gumamit ng banned substance.
“Now, it’s water under the bridge and Brownlee is ready physically and mentally for the big fight,” ani Cone.
Dumating si Brownlee sa Pinas sa best-of-seven title series ng San Miguel Beer at Magnolia napanalunan ng Beermen 4-2. Sinamahan ni Commissioner Willie Marcial si Brownlee at sinagot ang mga tanong ng mga reporters sa maiksing press conference.
Tinulungan ni Brownlee ang Gilas Pilipinas na manalo sa Southeast Asian Games at Asian Games matapos dalhin sa tagumpay ang Barangay Ginebra sa 2016 at 2017 Governor’s Cup.
Lumakas at formidable ang Gilas Pilipinas sa pagkasama nina towering Kai Sotto, Dwight Ramos at Carlo Tamayo. Sina Sotto, Ramos at Tamayo naglaro sa Japan B-League bilang imports.
Ang ibang kasapi sa koponan ay sina June Mar Fajardo, CJ Perez, Calvin Oftana, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Kevin Quiambao, AJ Edu.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato