CONG. BAMBOL ANG KARISMA NG PH SPORTS

MAGMULA nang pamunuan ni Cong.Abraham 'Bambol Tolentino( Tagaytay City Mayor) ang Philippine Olympic Committee( POC), sunud-sunod na ang tagumpay na naiuuwi ng Team Pilipinas mula international cimpetitions tampok dito ang historic first Olympic gold na nakamit na ng Pilipinas kortesiya ni heroine weightlifter Hidilyn Diaz kumpara sa mga naunang liderato noon ay laging bokya sa ginto ang ating mga Olympians.

OPINION

Danny Simon

12/10/20231 min read

MAGMULA nang pamunuan ni Cong. Abraham

'Bambol Tolentino( Tagaytay City Mayor) ang Philippine Olympic Committee( POC), sunud-sunod na ang tagumpay na naiuuwi ng Team Pilipinas mula international competitions tampok dito ang historic first Olympic gold na nakamit na ng Pilipinas kortesiya ni heroine weightlifter Hidilyn Diaz kumpara sa mga naunang liderato noon ay laging bokya sa ginto ang ating mga Olympians.

Sa timon ni Bambol nakamit muli ng Pilipinas ang overall championship noong 30th Sotheast Asian Games Pilippines 2019 at naging nabunga ang mga sumunod na edisyon ng post pandemic SEAGames.

Umaani na rin ng mga gintong medalya sa Asian Games tampok ang gold ni pole vaulter EJ Obiena sa athletics at ang presyosong gold medal ng Gilas Pilipinas na nasungkit after 5 dekadang tagtuyot ng ginto sa basketball.

Ang world championship ni Carlos Yulo ng gymnastics at iba pang pamamayagpag ng ating national athletes under Tolentino's watch sa mga international sports events.

Ang pormula, lubos na suporta ng ating kababayan mula pribado at publiko sa panig ng pamahalaan na nagtitiwala sa liderato ni POC prexy Tolentino.

Kaya nga mataas ang adrenaline at determinasyon ng Team Philippines dahil sa pagiging energetic sports leader ni Bambol na humahawa sa mga national sports associations( NSA's) heads sa tulong na rin ng mga pinuno sa pribadong sektor na nagkakaloob ng ayuda para sa bayan.

Dahil sa karisma at sigla ng POC president natin na tanyag na rin sa world sports executives na si Bambol, tiyak na dadami pa ang maiuuwing karangalan ng ating Pambansang atleta na makikibaka sa international na arena tampok ang lalahukang Paris Olympics 2024 sa France...

ABANGAN!!

Lowcut: Sa Tagaytay ay nagsusulputan parang kabuti ang sports venues kaya nga tinatagurian na silang sports hub in the south.. Hayahay ang sporting life sa Tagaytay..

MISMO!