CONG. BAMBOL ISUSUNOD NA ANG SARILING BAHAY NG POC

NABIGYAN na niya ng bahay at training ground ang ating mga Olympian medalists sa kanyang balwarteng Tagaytay City, naipagawa na ang mga venues ng mga sports discipline na malakas ang Filipino athletes at kinakalinga nang husto ang mga potensiyal na magbibigay karangalan sa bansa at marami pa siyang dapat gawin para sa kapakanan ng Philippine sports.

OPINION

DANNY SIMON

8/16/20242 min read

NABIGYAN na niya ng bahay at training ground ang ating mga Olympian medalists sa kanyang balwarteng Tagaytay City, naipagawa na ang mga venues ng mga sports discipline na malakas ang Filipino athletes at kinakalinga nang husto ang mga potensiyal na magbibigay karangalan sa bansa at marami pa siyang dapat gawin para sa kapakanan ng Philippine sports.

Pero ang nakalinya sa prayoridad ngayon ni Philippine Olympic Committee (POC) President/ Tagaytay City Mayor (Cong.) Abraham "Bambol" Tolentino, ang kanyang target na proyekto ay ang pagpagawa ng tunay na bahay ng POC na nakikibahay lang sa Philippine Sports Commission.

Imagine ang isang institusyon tulad ng POC na bagama't pribado ay di man lang naipagpagawa ng sariling bahay ng mga naunang nagtimon sa naturang NOC.Haba ng panahon ng nakaraang administrasyon sa POC ay nanatiling homeless ito kaya napagtanto niyang now na.

Sa ginanap na media forum Biyernes ng umaga sa Club Filipino Sa San Juan City,binigyang diin ng 3-termer na Representante ng Cavite na panahon na para magkaroon ng sariling tahanan ang POC na hangga ngayon ay nakikiamot ng espasyo sa Philsports Complex sa Pasig City.

Imagine na mula nang pamunuan ni Cong. Bambol ang POC ay di siya naglaan ng panahon na magdaos ng pulong sa opisinang iyon dahil dama niyang may mabigat na ihip na nagdadala ng jinx doon kaya di man lang naka-gintong medalya sa panahon nila.

Tanging komunikasyon at paperworks ang kanilang gawain doon sa ULTRA office pero ang mga mahahalagang isyu at executive meeting pati decision making ay sa iba't -ibang venue niya ginaganap dahil mas magaan ang kanyang aura kung kaya naman para sa kanya ay nagdudulot ito ng positibong resulta bawat pakikibaka ng Team Philippines sa SEAGames, Asiad, World, Indoor, Winter Games hanggang Summer Games na Olympics.

Panahon na nga Cong.Bambol na itatag ang legasiya mong 'Tunay na Bahay' ng POC.

Noble ang layunin at alam ng lahat ang iyong karisma bilang sports leader na ang resibo ay mga Olympic golds,wagi sa Worlds,respeto sa Asian Games at overall SEAG championship ng Pilipinas sa kanyang liderato sa Sports.

Dahil sa pruweba ni Cong.Bambol tiyak na bubuhos ang suporta mula pribado, corporate at pamahalaan nang siksik-liglig para sa adhikain..ABANGAN!!

POC chief Bambol Tolentino