Cong. Buhain Bigay-Pugay kay Chair Pato
MISMONG isang dating Philippine Sports Commission head na si Cong. Eric Buhain ang nagbulalas ng kanyang positibong impresyon sa kasalukuyang pinuno ng PSC na si Chairman John Patrick 'Pato Gregorio.
SPORTS
ni Danny Simon
8/21/20252 min read


MISMONG isang dating Philippine Sports Commission head na si Cong. Eric Buhain ang nagbulalas ng kanyang positibong impresyon sa kasalukuyang pinuno ng PSC na si Chairman John Patrick 'Pato Gregorio.
Ayon sa dating pinuno ng naturang government sports agency noong administrasyon ni GMA, naging chairman din ng Games and Amusement Board bago naging Kongresista ng Unang Distrito ng Lalawigan ng Batangas na si Buhain,nakakabilib aniya ang nakikitang sipag at taas ng antas ng enerhiya ni Pato sa pagtupad sa tungkulin ng nombrado ang kanyang mandato ni Pangulong Bonbong Marcos.
Ayon pa sa kasalukuyang Philippine Aquatics,Inc.(PAI) secretary general na si Cong.Eric,mapalad ang nasa sports community sa tatamasahing blessing sa action-packed na liderato ni Chair Pato lalo na ang kanyang malasakit sa mga atleta ng sambayanang Pilipino at ito ay madaling maipatutupad dahil sa lubos na suporta ng Palasyo at mga dambuhalang negosyo sa pribadong sektor na aagapay sa lahat ng bagay na magsusulong tungo sa tagumpay ng Philippine Sports.
Ramdam ni Cong.Eric ang dedikasyon ni Chair Pato na hindi isang ningas -cogon lamang o pagpapaķitang gilas lamang dahil bago lang siyang pinuno ng mga paglilingkurang nga national sports association na lunduyàn ng mga pambatong atletang magiting na sumasabak sa international competitions para sa karangalan ng Pilipinas.
Inuna rin aniya ni Gregorio anģ kapakanan ng mga atleta na magkaroon ng state of the art training venues upang manatiling kumpetetibo ang atletang Pilipino sa pisikal at teknikal na aspeto.
Ayon pa sa Olympian ( swimming )at dating SEAGames multi-gold medalist na si Buhain,si Chair Gregorio lang ang pinunong pinalinis ang buong sports complex sa Maynila ,Pasig at Baguio partikular ang isang gusali na naging tambakan ng nga lipas nang sports equipments at iba pang abubot na tila nagkaroon nang malawak na breathing space sa RMSC etc.
Hangad ni Buhain at tiyak na pati mga dating naging sports leader ang tagumpay ni Pato bilang pinuno ng sports sa bansa dahil sa expertise niya sa management mula pribado hanggang sa kasalukuyan sa sektor ng gobyerno.
Ang resulta ani Buhain ay ang mga blessing ng karangalang parating sa Philippine sports sa timon ni Gregorio at suporta ng Palasyo.
Iba na rin ang atmosphere ng PSC ngayon dahil si Chairman Gregorio ay open arms sa lahat ng panauhing dumarating basta may kinalaman sa sports at ngayon lang makikitang aņ g presidente ng Philippine Olympic Committee na si Cong.Bambol Tolentino ay bumisita sa PSC di lang dahil sanggang -dikit sila dati sa Olympic family kundi pagtibayin at pagtulungan ang pag-asenso ng bansa sa larangan kaya ang PSC leadership dati na namimili ng bisita at dadaan sa matinding red tape bago makadaupang palad ang dapat ay lingkod bayan sa larangan ng sports ay welcome ang bisita mula sa lobby na may upuan na ngayon.
Lalo na nang pabuksan ni chairman para sa publiko ang Rizal track oval( palaging sarado noon) na nagbigay ng oportunidad sa mga sports enthusiasts na napangangalagaan naman ang disiplina sa sistemang ipinatutupad.
Kung may political will, tunay na mararamdaman ang liderato sa Philppine sports na daig pa ang gintong medalya sa bawat international sports competitions.
Ngayon pa lang ay itinataas na ni Cong Buhain ang kamay ni Chair Pato tungo sa tagumpay ng kanyang adhikain..MISMO!




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato