IN GOD WE TRUST
CONG. TANJAUATCO INENDORSO SI MANTAS CUEVAS PARA TCIA TOP BRASS
SA Hunyo 6,2026 na ang sandali ng katotohanan upang pormal nang piliin ang susunod na pinuno ng Tanay Club in America( TCIA) kung saan ay it’s all over but the oathtaking dahil hanggang ngayon ay unopposed pa ang subok at magiting na Tanayan na based sa ‘Tate na si Mantas Crisanto Cuevas.
SPORTS
DANNY SIMON
5/12/20262 min read


SA Hunyo 6, 2026 na ang sandali ng katotohanan upang pormal nang piliin ang susunod na pinuno ng Tanay Club in America( TCIA) kung saan ay it’s all over but the oathtaking dahil hanggang ngayon ay unopposed pa ang subok at magiting na Tanayan na based sa ‘Tate na si Mantas Crisanto Cuevas.
Walang iba kundi si Congressman Dino at ang buong Tanjuatco clan ng Tanay ang nag-edorso kay Sikaran icon Cuevas upang maging lider ng tinitingalang TCIA mula sa iba’t - ibang panig ng America partikular sa Bay Area na siyang venue ng napakahalagang halalan ng Tanayans na respetado ng mga Kano at ibang lahi dahil na rin sa natatanging katangian ng liping Pinoy sa ibang lupain ng kanluranin.
“ Sa ating mga kababayan diyan sa Bay Area, malugod ko pong ini-endorso si Mantas Cuevas para sa bagong liderato ng Tanay Club in America at makakaasa kayong iaangat niya ang antas ng samahan at pagkakaisa ng magkakababayan diyan sa Amerika.Para sa tunay na pagbabago, si Mantas Cuevas ang maykakayahan para sa ikabubuti at ikasusulong ng TCIA,” pahayag ni Tanjauatco kay Cuevas sa courtesy call na isinagawa ng huli na kasalukuyang nasa bansa upang asikasuhin naman ang preparasyon ng kanyang mga decipulos sa Raven Tanay Sikaran na sasabak sa National Open at ang napipintong paglahok ng Sikaran sport para sa Batang Pinoy Bacolod 2026 sa Disyembre.
Ang partidong United Alliance ni Presidentiable Cuevas ay binubuo ng matitikas at maasahan sa serbisyong personahe na pawang taal na Tanayans na nakabase sa ‘Tate.Tatlo ang magtutunggali bilang VP na sina Bismark Bati, Rene Cruz at John Garcia. Solid sa tiket ni Cuevas sina Marvin Fernando- treasurer, Criselda De Padua- asst. treasurer,MaryGrace Coladilla- secretary,Ziza Cruz-auditor,Omar Dikitan at Arnaldo Catolos bilang sgt-at-arms at ang board of directors ay binubuo nina Eric Love,Junjun Arroyo,Alvin Bautista,Arnold Love,Rhec Felix Catambay,Rodante Bernabe, Kevin Cuevas, Gigi Castro at Noter Cometa. Sa Bay, MABUHAY ANG TAGA-TANAY!
Lowcut:Sobrang busy ni Mantas dito sa Pinas, di pa niya naharap ang kaganapang Arts clinic para sa kabataang Tanay artists. Baka sa penultimate date ng kanyang staycation ay mairaos rin…ABANGAN!uu


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
