COPA Swim Series Leg 3 sa RMSC
PATULOY ang pagtuklas ng mga bagong talento sa raratsadang National Capital Region (NCR) One For All-All For One Swim Series Leg 3 ng Congress of Philippine Aquatics (COPA) sa Linggo, Abril 14 sa Teofilo Yldefonso Swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
SPORTS
Danny Simon
4/11/20241 min read


PATULOY ang pagtuklas ng mga bagong talento sa raratsadang National Capital Region (NCR) One For All-All For One Swim Series Leg 3 ng Congress of Philippine Aquatics (COPA) sa Linggo, Abril 14 sa Teofilo Yldefonso Swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Sa pagtataguyod ng Speedo Philippines, Philippine Sports Commission (PSC) at basbas ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI), tampok ang pinakamatitikas na junior swimmers at inspiradong novice athletes sa torneo na bahagi ng malawakang programa sa grassroots level ng COPA na pinamumunuan ng swimming icon at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain.
Ayon kay tournament director Chito Rivera, pangulo rin ng Samahang Manlalangoy sa Pilipinas (SMP), bukas ang kompetisyon sa lahat ng batang swimmers maging anuman ang swimming club o organisasyon na kinaaaniban.
“Since Day 1 nang kilalanin ng Philippine Olympic Committee at ng World Aquatics ang PAI bilang lehitimong swimming association sa bansa, inclusivity at hindi na exclusivity ang isinusulong na programa ng PAI at kaanib kami sa pagsusulong ng pagbabago sa swimming community,” pahayag ni Rivera.
Iginiit ni Rivera na ang torneo ay bahagi rin sa paghahanda ng mga swimmers para sa isasagawang National try-outs ng PAI para sa bubuing koponan na isasabak sa Southeast Asian Age Group Championship na nakatakda sa Disyembre sa Bangkok, Thailand.
Aniya, libreng makalalahok sa torneo ang mga estudyante mula sa mga pampublikong eskwelahan at walang regular na kinaaanibang swimming club.
“Magdala lang silta ng mga katibayan na enroll sila sa eskwelahan, libre ang kanilan participation fee,” ayon kay Rivera na siya ring Executive Director ng PAI.Ang mga kategorya sa kompetisyon at 6-under, 7,8,9,10,11,12,13,14,15,16,17 at 18-over.
Cong. Eric Buhain
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato