IN GOD WE TRUST

CTPL AT PPAI PANTAY NA DAPAT

Dapat na bang taasan ang death benefit sa Compulsory Third Party Liability (CTPL) sa sasakyan at ipantay sa Personal Passenger Accident Insurance (PPAI) sa public transport?

OPINION

ATTY. ARIEL INTON

11/15/20261 min read

Dapat na bang taasan ang death benefit sa Compulsory Third Party Liability (CTPL) sa sasakyan at ipantay sa Personal Passenger Accident Insurance (PPAI) sa public transport?

May aksidente . Isang passenger bus nawalan ng preno bumangga sa pader at sampong pasahero ang nasawi. Samantalang nasagasaan naman ang apat na pedestrian. May makukuha ba ang pamilya ng mga nasawi. Opo. Yun nga lang ibang coverage at ibang amount.

Ang mga pasaheo ay covered ng tinatawag na All RISK NO FAULT PERSONAL PASSENGER ACCIDENT INSURANCE.

FOUR HUNDRED PESOS KADA ISA. So ang sampung nasawi ay entitled ng 400,000 PESOS BAWAT ISA.

Pero yun apat na pedestrian ay covered ng tinatawag na COMPULSORY THIRD PARTY LIABILITY at ang coverage ay TWO HUNDRED THOUSAND PESOS PER ACCIDENT.

So, yun apat maghahati pa sa amount. Kaya tag 50,000 pesos lang bawat isa.

HA BAKIT GANOON! Pareho lang na buhay ang nawala.

Ang buhay ng tao ay WALANG EKSAKTONG HALAGA SA PERA. Ang salapi na makukuhang death benefit ay base sa COVERAGE ng insurance.

Pero bakit mas mataas sa PERSONAL PASSENGER ACCIDENT INSURANCE?

Dahil ito ay base sa CONTRACT NG PASAHERO AT NG OPERATOR SA PUBLIC TRANSPORT. At dahil nakadepende ang buhay ng mga pasahero sa sinakyan niya may EXTRAORDINARY DILIGENCE ang driver na maingat niya maihahatid ang mga pasahero sa pupuntahang destinasyon.

Sa THIRD PARTY LIABILITY, Walang kontrata ang pedestrian sa driver. Pag nagka aksidente ang basehan ng obligasyon ay QUASI DELICT. Ang degree ng pagiingat ay ORDINARY DILIGENCE.

Kaya naman mas mataas ang binabayarang premium sa PPAI kaysa TPL. Kadalasan sa TPL ay parang requirement lang sa renewal ng sasakyan. Kaya pag nagka aberya ay pahirapan ang paniningil ng benepisyo.

Pero kahit ano pang sabihin nila, ANG BUHAY NG TAO AY PAREHO LANG PASAHERO MAN O PEDESTRIAN.

Ang mungkahi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ay taasan ang death benefit sa TPL at HINDI DAPAT PER ACCIDENT KUNG HINDI PER PERSON.

Maaring mas mataas nga ang babayaran sa premium payments pero mas may benepisyo naman makukuha ang biktima ng aksidente.

Pasahero man o pedestrian, BUHAY PA RIN ANG NAWALA KAPAG MAY AKSIDENTE.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, ParaƱaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here