Daan-daang residente ang napaglingkuran ni Konsi Allen Tan... MISSION BUNO'TAN SA DISTRICT ONE
MATAGUMPAY ang ikinasang dental mission ni Parañaque City District 1 Councilor Allen Tan katuwang ang lahat ng konsernado sa nasasakupan sa nasabing 'bayanihan'.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
3/25/20242 min read


MATAGUMPAY ang ikinasang dental mission ni Parañaque City District 1 Councilor Allen Tan katuwang ang lahat ng konsernado sa nasasakupan sa nasabing 'bayanihan'.
Higit sa 600 na mga bata, kabataan at adults ng Bgy San Dionisio Parañaque City ang napaglingkuran ng Team Tan sa misyong humanitarian na ginanap sa Sabak Covered Court ng barangay San Dionisio ng lungsod.
Dagsang constituents ang napaglingkuran ni Konsi Allen Tan sa District one.


Si Councilor Allen Tan at kanyang ginang Rocel Nava sa kanilang dental mission sa Paranaque City Dist. 1.
Kaagapay ni Konsi Allen Tan ang kanyang maybahay na si Rocel Nava at mga masisipag at maasahang volunteers sa pakikikipagtulungan ng kanyang partner Konsehal Raffy 'Afiong Dela Peña, betterhalf na si Nurse Purple at kanyang imbitadong dentists na nagperform ng modernong paraan sa pagbunot ng ngipin ng kanilang ka-distrito na libre para sa bayan.
"Ang programang ito na buno'TAN sa District One ay naglalayong bigyan ng importansiya ang pangangalaga sa ating mga ngipin para sa mas magandang ngiti ng ating ka-lunan",sambit ni Konsi Tan kasabay ng kanyang taos- pusong pasasalamat kay Kapitan Eva Olivarez and Council at sa kanyang partner Councilor Raffy 'Apiong' Dela Peña sa suporta.
Gayundin sa maayos na ugnayan ng kaganapan sa Task Force Disiplina sa Purok 8 & 9.
Tuluy-tuloy ang mga proyektong humanitarian ni Councilor Tan sa distritong kanyang nasasakupan..ABANGAN! (Danny Simon)


Buddy-buddy sa proyektong humanitarian sa kani-kanilang distrito sa Lungsod Parañaque sina Coun. Allen Tan (kaliwa) at Coun. Raffy 'Apiong' Dela Peña.


Si Konsehal Allen Tan (Dist. 1) at Ginang niyang si Rocel Nava katuwang sina Coucilor Apiong Dela Peña at partner Nurse Purple sa proyektong dental mission sa San Dionisio.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato