DAILY FANTASY CHESS ONLINE GRAND PRIX NI KA NOLI, PAREHISTRO AY FREE

ISANG ginintuang oportunidad ang naghihintay para sa masang entusiyastiko sa larangan ng ahedres sa pag-sulong ng buwenamanong Daily Fantasy Chess Grand Prix 2025 Open tournament online nationwide sa susunod na buwan ng Oktubre ng taon.

SPORTS

ni Danny Simon

9/26/20251 min read

ISANG ginintuang oportunidad ang naghihintay para sa masang entusiyastiko sa larangan ng ahedres sa pag-sulong ng buwenamanong Daily Fantasy Chess Grand Prix 2025 Open tournament online nationwide sa susunod na buwan ng Oktubre ng taon.

Ang naturang chess grand prix na inorganisa ni journalist par excellence / sportsman Ka Noli Cruz ay itinataguyod ng DAILY FANTASY SPORTS upang gawing realidad ang dati ay pantasya lang ng ibang less -fortunate chessers sa bansa na makalahok sa isang mataas na lebel ng kontes sa chess na may taginting na cash prize sa kagandahang- loob ng DFS.

"Dito sa pakontes ng inyong lingkod sa agapay ng DFS na chess grand prix,registration is free kaya bukas ito para sa masang woodpushers sa bansa pero batikan pagdating sa laban.Tulong lang natin sa mga chess players na walang masyadong pinagkakakitaan",

wika ni Ka Noli(Cruz). "Saksihan natin mga ka-chess ang biggest online competition sa 'Pinas ngayong taon na naging posible dahil sa Daily Fantasy- ang tanyag na sports partner ng Philippine Basketball Association( PBA) ."

Ang DFS Chess Grand Prix na uusad na sa Oktubre 26,araw ng Linggo ,ay isang 10- leg ( P6k cash prize per) every Sunday contest online kasunod ay ang matinding tunggalian ng top 100 na papasok pampinaleng P50k Grand Finals sa Enero 11,2026 na P110k suma -total na prize ng DFS chess grand prix for a cause.

DFS Chessfest Online Organizer Noli Cruz