IN GOD WE TRUST
DALE, DARREN AT GROWEE
MANILA Sports Council Dale Evangelista and his brother event organizer par excellence Darren Evangelista plus GROWEE have something in common, it's their love in watersports and development for the youth .
SPORTS
DANNY SIMON
3/19/20262 min read


MANILA Sports Council Dale Evangelista and his brother event organizer par excellence Darren Evangelista plus GROWEE have something in common, it's their love in watersports and development for the youth.
Sanib- puwersa ang mag-utol at ang GROWEE upang tiyakin ang tagumpay ng kaganapang ang mga kabataan di lang para sa Manilenyo kundi pati batang atletang probinsiyano ang direktang makikinabang.
Magtatampisaw sa paligsahan Ang nasa 300 batang atleta mula sa 27 koponan raratsadang Growee-Manila Swim Meet bukas(Sabado), Marso 21, sa Teofilo Ildefonso Swimming Pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila.
Magtatagisan ang ang mga kabataang manlalangoy mula sa iba’t ibang pribado at pampublikong paaralan, pati na rin sa mga kilalang swimming clubs mula sa Metro Manila at karatig-lalawigan gaya ng Laguna, Batangas, at Lucena.
Ayon kay Yingfa Pilipinas president at head organizer Darren Evangelista, layunin ng torneo na palakasin ang grassroots development sa larangan ng swimming, partikular sa age-group at junior level.
Ang kompetisyon ay bahagi ng patuloy na programa ng Manila Sports Council (MASCO) na pinamumunuan ni dating national athlete Dale Evangelista,na itaas ang antas ng local swimming scene.
“This swim meet is part of MASCO’s relentless campaign to uplift swimming development at the grassroots level. It is open to everyone, and as of now, we already have 27 confirmed teams coming from as far as Laguna, Batangas, and Lucena,” sambit niya.
“We are also thankful and grateful to those supporting us, especially Unilab Laboratories and Growee vitamins. With the help and support of the Philippine Sports Commission and MASCO, we are able to address the needs of our young swimmers.”ani pa Darren.
“A total of 70 Most Outstanding Swimmer (MOS) awards will be given.”
Ikinagalak naman ni Growee Brand Manager Anita Lim ang pakikipagtulungan sa naturang kompetisyon, na ayon sa kanya ay tugma sa adbokasiya ng kanilang kumpanya sa pagsusulong ng kalusugan at tamang paglaki ng kabataan.
“We’re hoping to make this partnership not just for one event, but for the long term. Growee is a partner in children’s growth and development,"aniya.
Binigyang-diin naman ni Meiji See, Segment Head para sa Pedia Multivitamins, ang kahalagahan ng sports sa pagpapalaganap ng healthy lifestyle at sustainability sa mga programa para sa kabataan.
Sa panig naman ng MASCO, inimbitahan ni Chief Dale Evangelista ang swimming community na suportahan ang Manila Team na sasabak sa eight-team Manila Water Polo International Championships mula Marso 25 hanggang 28 sa parehong pasilidad.
“Eight years ago, we already started developing these teams. This tournament will serve as their chance to prove their worth and skills, and at the same time, a stepping stone toward making it to the national team,” ani Dale Evangelista, dating miyembro ng Philippine team na nagkamit ng silver medal sa water polo sa 2005 Southeast Asian Games.
Kabilang sa mga inaasahang kalahok sa water polo tilt ang mga koponan mula sa Hong Kong at Singapore, na magbibigay ng mas mataas na antas ng kompetisyon sa lokal na mga atleta.
Sa pinagsamang puwersa ng Evangelista sibling at Growee..HURRAY!


(L-R) MASCO Chief Dale Evangelista, Meiji See, Segment Head Pedia Multivitamins; Anita Lim, Brand Manager for Growee and organizer Darren Evangelista.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
