DANNSCAPE FREE ARTS & CLINIC 2025 SA TARLAC KASADO NA!

KABATAANG Tarlacqueños ang makikinabang sa ikinasang makabuluhang kaganapang pang-sining at pampalakasan sa lalawigan.

SPORTS

1/6/20251 min read

KABATAANG Tarlacqueños ang makikinabang sa ikinasang makabuluhang kaganapang pang-sining at pampalakasan sa lalawigan.

Ang naturang noble endeavour para sa Tarlacgueño kids ng Dannscape ay naglalayong magturo ng karunungan sa larangan ng arts sa mga potensyal na batang alagad ng sining upang maging gabay nila tungo sa pagtupad ng ambisyon , kabuhayan at makatulong sa kanilang pag-aaral sa aspetong 'earn while you learn'.

Tuturuan ni art expert Dannigilas Simon ang mga young artists ng basic knowledge sa drawing,coloring ,

lettering, pagpinta sa illustration board at canvas (water color, acrylic, oil, t-shirt printing tampok din ang mural painting.

Nakatakda ang unang session ng arts clinic sa darating na weekend sa Tagùmpay Comillas, La Paz; Tarlac at magkakaroon din ng sports clinic sa basketball, volleyball, chess, billiards na pagniningningin din ng running bilang side event ng proyektong nakalibot na rin sa ibang lugar sa countryside.

"Salamat sa suporta, tuluy- tuloy ang ating adbokasiya ngayong 2025.Nakahanay na rin ang ating project for a cause na suportado rin ng Philippine Sports Commission sa Ormoc City sa Pebrero sa imbìtasyon ni Mayor ( Philippine Olympic Committee 2VP) Richard Gomez ng pentathlon kasabay ng pagdiriwang ng Arts Month sa Lungsod ng Ormoc,"wika ni Simon.