IN GOD WE TRUST
DAPAT PA BANG IBIGAY ANG SENIOR CITIZENS, PWD, STUDENT DISCOUNT KAHIT NA KA PROMO FARE NA?
Nagpaalala ang LTFRB na ibigay ang mandatory 20 percent discount sa mga pampublikong sasakyan. Ganoon din ang PWD at Student discount.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
10/18/20261 min read


Nagpaalala ang LTFRB na ibigay ang mandatory 20 percent discount sa mga pampublikong sasakyan. Ganoon din ang PWD at Student discount.
Pero paano ang public transport ay mag offer ng PROMO FARE, halimbawa sa panahon ng undas, pasko o public holiday. Dapat pa rin bang ibawas ang discount sa promo fare?
Sa hatol ng Korte Suprema sa kasong Orville Ong vs Paul Slcazaren et al( G.R. no. E- 00464, October 14 202-" Senior Citizens cannot stack or combine the mandatory 20 % senior citizen discount on top of an ALREADY EXISTING PROMOTIONAL OR GROUP NEGOTIATED RATE.
Dapat daw ay piliin kung ano i avail. Yun discount o yun promo rate.
Respect po sa Korte Suprema pero dapat maging maliwanag kung itong hatol na ito ay para lang sa existing promo rate o group negotiated rate at hindi mga promo na para sa lahat.
Maaring maabuso ito ng ilang negosyo na may mga PROMO PACKAGE na hindi binabawas ang discount. Dapat rin bang DTI approved ang promo bago ipatupad?
Sa public transport ay REGULATED ng LTFRB ang pasahe. Kaya nga may penalty ang overcharging o undercharging. Kaya dapat aprubado ng LTFRB ang promo fare sa land public transport.
At dahil mandatory ang mga discount ay dapat itong ibigay kahit promo fare dahil regulated ang pasahe.
Ganoon pa man, inaasahan ng LCSP na maging malinaw ang desisyon ng KORTE SUPREMA pagdating sa bagay na ito para maiwasan ang pagkalito o pagsasamantala sa pasahero.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
