Dating Atletang AG Gold Medalist Catalan Kinuyog ng mga Siga ng Tejeros sa Makati City
NASA malubhang kalagayan ngayon ang dating atleta ng bansa matapos siyang pagtulungang bugbugin ng mga siga sa Bgy.Tejeros sa Makati City.
SPORTS
Ni Danny Simon
10/18/20252 min read


NASA malubhang kalagayan ngayon ang dating atleta ng bansa matapos siyang pagtulungang bugbugin ng mga siga sa Bgy.Tejeros sa Makati City.
Si Rene Catalan, Sr., 2006 Asian Games Doha Qatar wushu gold medalist, founder/ president nd Sudokwan., Inc., advocator ng Philippine Encuentro- Search for Filipino Heroes at may-ari ng Catalan Fighting System Gym na nasa Yague St. sa Tejeros ay pinagtulungang bugbugin ng nasa 15-kataong basagulero sa barangay na nagsiga-sigaan sa Tejeros dahil sa lakas umano ng kanilang impluwensya sa mga nanunungkulan doon.
Ayon sa taga CFS,nagsimula ang gulo nang magdeliver ng parcel ang kawaning rider ng courier company na J&T pero di ito tinanggap ni Catalan dahil wala naman umano siyang ganoong order.
Nang panindigan ng ating gold medalist na di nito babayaran ay lumikha na ng senaryo ang delivery man at isinisigaw na binugbog siya umano ni Catalan at nagbanta ang courier na reresbak siya at ang kanyang tropa.
Dahil ayaw ni Catalan ng gulo lalo pa't paalis sila at ng kanyang mga atleta patungong world championship sa Malaysia ay umiwas na lang siya at nagpasiyang i-settle na lang ang isyu sa barangay.
Pero nang papunta na sa barangay si Catalan kasama ang 2 witness niyang anak ay nagdatingan ang mga tinawag ng courier at mula sa kanyang likuran ay inumbagan siya ng deadly na bagay ay hinataw ng helmet dahilan upang mabasag ang panga , sumuka ng dugo at nawalan siya ng ulirat saka walang habas na suntok at sipa ang binira ng mga buhong sa biktima sabay pulasan ang mga siga.
Isinugod sa Ospital ng Maynila pero dahil di siya nalapatan ng lunas doon kaya lumipat sa PGH ang dating kampeon pero di umano naasikaso ang dating atleta na nakapaghandog na ng karangalan sa bansa.Nagpalipat siya sa National Orthopedic pero lalong sakit ang naramdaman niya nang malamang sobrang mahal ng kanyang babayaran.
Hanggang sa kasalukuyan ay at large pa ang mga kumuyog kay Catalan.
Mga kababayan, ating tulungan ang ating magiting na atletang naghandog na ng gintong medalya para sa Pilipinas.
Panagutin ang mga gumawa ng kasamaan pati na ang mga nagpabaya sa ķanilang katungkulan sa sports hero ng bayan na si Rene Catalan... ABANGAN!
LOWCUT-Si Catalan at ang kanyang 7 atleta na naka 3 golds- 3 silvers sa nakaraang international martial arts championship sa Malaysia ay ginagawaan na ng resolusyon sa Senado sa pangunguna ni Senate Committee on Sports na si Sen.Bong Go bago ang bayolenteng pangyayari ay nakatakda na ang courresy call para pararangalan sila sa plenaryo.
Senator BG sir, tabang at hustisya para kay champ Catalan..ABANGAN!






Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
