DAVAO OCC. COCOLIFE TIGERS IBINAON ANG BICOL
ITINODO ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang buong lakas nito upang ibaon ang Bicol Spicy Oragons,110-96 sa pagpapatuloy ng Pilipinas Super League (PSL) President’s Cup sa Filoil Arena, San Juan City nitong weekend.
SPORTS
Danny Simon
1/16/20241 min read


ITINODO ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang buong lakas nito upang ibaon ang Bicol Spicy Oragons,110-96 sa pagpapatuloy ng Pilipinas Super League (PSL) President’s Cup sa Filoil Arena, San Juan City nitong weekend.
Naging mahigpitan ang laban sa unang yugto pa lang kung saan ay ayaw pasapaw ng magkabilang panig, 13-13 sa kalagitnaan ng first.
Umalagwa ang Tigers ng Bautista clan na suportado nina Cocolife president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at SVP Elmore Omelas sa ikalawang yugto pasimuno sina veteran center Kelly Nabong at Bonbon Custodio upang dumistansiya ng double digit pero naghabol ang Spicy Oragons upang dumikit 51-45 halftime score.
Muling nilapa ng Tigers ang Oragons sa ikatlong kanto upang di na papormahin ang Bicol pagdating sa final period.
Itinurok pa ng Davao Occ. Tigers Cocolife ang dagger nito sa endgame sa pamumuno ni Nabong kung saan ay apat sa Tigers ang umiskor ng tig-20 points para makabalikwas sa 4-3 kartada at manatiling nasa kontensyon pa rin ang defending champion para sa kampeonato ng liga.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato