DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE BALIK-HARDCOURT MATAPOS ANG KAMPANYA SA MIDTERM POLLS

POPOKUS muna ang Davao Occidental Tigers Cocolife sa kampanya ng nùmero unong padrino nito upang makatulong sa misyong balik- kongreso ng Dumper Party List sa 20th August Chamber.

SPORTS

Danny Simon

2/10/20251 min read

POPOKUS muna ang Davao Occidental Tigers Cocolife sa kampanya ng nùmero unong padrino nito upang makatulong sa misyong balik- kongreso ng Dumper Party List sa 20th August Chamber.

Ayon sa kinauukulan ng naturang champion team sa commercial / professional basketball league sa bansa, tutulong ang naturang powerhouse team from Mindanao sa kampanya ni team owner Cong.Claudine Bautista na makabalik sa plenaryo ng mababang kapulungan ang Dumper Party List na naka-isa nang termino bilang kinatawan ng marginalized sector.

Ang Dumper ang siyang panguhahìng tagapagtaguyod ng champion caliber Davao Occ. Tigers kaagapay ng suporta nina Cocolife pres./CEO Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas.

Ang Davao Occidental Tigers Cocolife ay nagkampeon na sa Maharlika Pìlipinas Basketbalĺ League ( MPBL)Lakan Cup at Pilipinas Super League( PSL).

" Hear us roar once more and meaner after helping our Dumper fulfill it's winning tradition after Msy national midterm election," sambit ng Tigers official.