DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE BALIK - WINNING TRADITION SA PSL

BALIK-bangis ang Davao Occidental Tigers Cocolife sa ipinamalas na magkakasunod na panalo upang makabaliwas galing sa 2-3 kartada sa maagang bahagi ng eliminations ng Pilipinas Super League President"s Cup.

OPINION

Danny Simon

3/12/20241 min read

BALIK-bangis ang Davao Occidental Tigers Cocolife sa ipinamalas na magkakasunod na panalo upang makabaliwas galing sa 2-3 kartada sa maagang bahagi ng eliminations ng Pilipinas Super League President's Cup.

Dahilan ito ay tumibay ang posisyon ng Tigers sa quarterfinals ng liga kung saan ay sila ang nagdedepensang kampeon.

Bagama' t malalakas ang mga karibal, ang champion caliber na Davao Occ.Tigers Cocolife na pag-aari ng Bautista clan sa Malita, Davao Occidental at suportado nina Cocolife president / CEO Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Elmore Omelas ay ramdam na ang nagbabagang determinasyong panatilihin ang tradisyong kampeonato sa pagtutulungan ng subok nang Tigers na sina Kelly Nabong, Bonbon Custodio, Mike Cañete, Winston Ynot Kurt Lojera Gamalinda, Justine Sanchez at iba pa na di na rin apektado sa pagkawala nina sweet shooting John Wilson, slasher Billy Robles, slotman Robbie Celis, all-around Emman Calo, veteran Jerwin Gaco at go -to- guy Mark Yee.

Namamayagpag ngayon ang Biñan Tatak Gel at Nueva Ecija Patriots kabilang na ang tinalo ng Davao Cocolife na San Juan Kings kamakailan.

" Malaking bagay ang panalo na baon namin sa quarterfinals. Hear us roar once more and continue our winning tradition", pahayag ni team manager Arvin Bonleon.

Ang Davao Occidental Tigers Cocolife ay nagkampeon sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL'22) at nitong nakaraang season ng PSL.

Sa pedidong kalinga ng management at sa suporta ng Cocolife, sa timon ng subok nang bench tacticians sa pamumuno ni head coach Manu Inigo, tunay na aalingawngaw muli ang atungal ng bagsik ng bagong henerasyon ng mandirigmang Tigers sa PSL President's Cup...ABANGAN!

Lowcut: Shoutout kar Ms Ivy Villanueva ng Geely Calamba. Visit na at avail sa kanilang latest promo sa showroom (Purok2) Bgy Makiling, Calamba City, kudos to Darwin Capital Prindiana at Alma Capital ng 2999 Online Shop - Cubao at special mention kina jolly good fellas Kua Agila Franck Carreon, Ryan Margin Castro at Ate lady Eagle Sherry Joy Parinas Aurelio. ION yun oh!