DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KONTRA CAM NORTE WARRIORS SA PSL
HAHARAPIN ng Davao Occidental Tigers Cocolife ang peligroso nang Camarines Norte Warriors sa papatapos nang elimination round ng Pilipinas Super Ĺeague ( PSL) President's Cup.
SPORTS
Danny Simon
2/24/20241 min read


HAHARAPIN ng Davao Occidental Tigers Cocolife ang peligroso nang Camarines Norte Warriors sa papatapos nang elimination round ng Pilipinas Super Ĺeague (PSL) President's Cup.
Pagtitibayin na lang ng Tigers ang kanilang posisyon bilang quarterfinalist na ng liga.
Hihirit naman ng katiting na pa-asa ang mga Bicolanos kung saan ang kapalaran nila ay di na nila hawak.
Bagama' t malalakas ang mga karibal, sisikapin ng defending champion Davao Occ. Tigers Cocolife na pag-aari ng Bautista clan sa Malita, Davao Occidental at suportado nina Cocolife president / CEO Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Elmore Omelas na umapoy pa ang determinasyong panatilihin ang tradisyong kampeonato sa pagtutulungan ng subok nang sina Kelly Nabong, Bonbon Custodio, Mike Cañete, Winston Ynot Kurt Lojera Gamalinda, Justine Sanchez at iba pa.
Tangan ngayon ng Davao Occ. Tigers Cocolife ang 8-4 yugtong pinamamayagpagan ng Biñan Tatak Gel at Nueva Ecija.
" Malaking bagay ang panalo bago lumaro sa next stage. Hear us roar once more and continue our winning tradition ", pahayag ni team manager Arvin Bonleon.
Ang Davao Occidental Tigers Cocolife ay nagkampeon sa Maharlika Pilipinas Basketball League( MPBL'22) at nitong nakaraang season ng PSL.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato