DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE LUSOT VS NEGROS MUSCOVADOS SA MPBL
NAUNGUSAN ng powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife ang Negros Muscovados,67-64 sa pagpapatuloy ng mga laban sa MPBL 2024 Season kamakalawa sa Pampanga Convention Center.
SPORTS
Danny Simon
6/20/20241 min read


NAUNGUSAN ng powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife ang Negros Muscovados, 67-64 sa pagpapatuloy ng mga laban sa MPBL 2024 Season kamakalawa sa Pampanga Convention Center.
Patalasan ng game strategy sina Tigers coach Manu Inigo at Bonnie Garcia ng mga Ilongos dahil magmula sa umpisa ay di naghiwalay ang dalawang protagonista mula Mindanao at Visayas.
Sinimulan ng tres ni Tiger Kelly Nabong ang tangkang maagang pag-distansya para kumawala sa unang tikada ng bakbakan habang nanguna si James Una sa madulas na opensa ng Negrenses kung kaya naging dikdikan ang tunggalian.
Ang halftime score ay 32-all.
Isang krusyal na agaw ang nagawa ni Jun Manzo ng Davao kasunod ng penalty foul sa huling 15 segundo para iselyo ang panalo para sa koponang pag-aari ng Bautista clan sa Davao Occidental at suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas.
Kaagapay din sa pagposte ng panalo ng Tigers sina Dave Arana, Chris Lalata , Keith Ighalo at iba pang Tigers.
"Pokus lang sa laban. Malaki man ang lamang o dikdikan ay pinaka-importante ang panalo. Hats off sa ating Tigers!", pahayag ni coach Inigo.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato