DAVAO OCCIDENTAL TIGERS COCOLIFE BABAWI SA NEXT ROUND NG PSL
DETERMINADONG bumalikwas ng powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife sa susunod na yugto matapos ang maalong performance ng team sa eliminations ng Pilipinas Super League President's Cup.
SPORTS
Danny Simon
1/21/20241 min read


DETERMINADONG bumalikwas ng powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife sa susunod na yugto matapos ang maalong performance ng team sa eliminations ng Pilipinas Super League President's Cup.
Ang itinuturing sa liga na team to beat at championship caliber Tigers na pag-aari ng Bautista clan mula Davao Occidental at suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas, ay lulusob sa hardcourt sa panibagong round na buo ang loob sa misyong makabawi mula sa tatlong setbacks at limang wagi lamang.
" Our Tigers will surely get back roaring wild once more in the next q' round, "wika ni team manager Arvin Bonleon.
Muling sasandig ang Davao Occidental Cocolife sa mga pambatong Tigers na sina Jun Manzo, Ryan Costelo,Winston Ynot, Bon Custodio, Balong Marquez, Mark Olayon, Kurt Lojera, Josh Flores, Justine Sanchez, Bam Gamalinda, Jr Ongtengco, Kelly Nabong, Noel Bonleon at RR de leon.
Gagabayan sila ng subok nang bench tacticians na sina headcoach Manu iñigo, assistant coaches Andy Mejos, Noli Mejos, Nonoy Bonleon, James Bartolome, Coach VL Sandalo Team manager at si Arvin Derla Bonleon assistant manager nito si Joey Protacio.
Namayagpag sa team standing ang kapwa wala pang talong Nueva Ecija Capitals at Binan Tatak Gel 10-0, 9-0 ayon sa pagkakasunod.
Tabla sa 7-1 ang Quezon Titans at Caloocan Supremos habang 6-1 ang karta ng San Juan Kings. Ang Munti1 ay may 6-3.
Solo sa 5 - 3 ang Davao Occ. Tigers Cocolife habang triple tie sa 5-4 ang Novaliches Warriors,Kyusi Escobets at Mis Or Mustangs.
Kartada ng Bulacan Taipans ang 4-5 kasunod ang Siniloan Dragons at Indanan Sulu Kings na may 3-7, 2-7 ang SGB CSB Blazers, 2-8 ang Manila City Stars, 1-7 ang Bicol Spicy at Cam Nor Warriors,1-9 ang RCP Shawarma at wala pang panalo ang NKT Snipers sa 9 na laro.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato