DAVAO OCCIDENTAL TIGERS COCOLIFE NANANATILI SA KONTENSIYON SA MPBL SEASON
NANANATILI sa kontensiyon upang mapagpatuloy ang winning tradition ng Davao Occidental Tigers COCOLIFE sa papatapos nang eliminasyon ng 2024 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Regular Season.
SPORTS
Danny Simon
8/15/20241 min read


NANANATILI sa kontensiyon upang Papagpatuloy ang winning tradition ng Davao Occidental Tigers COCOLIFE sa papatapos nang eliminasyon ng 2024 Maharlika Pilipinas Basketball League( MPBL) Regular Season.
Sa huling post ng MPBL sa team standing, ang Tigers na pag-aari ng Bautista clan sa Davao Occidental at suportado nina COCOLIFE President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas ay inookupa ang fourth place sa kartadang 15-7 sa south division na binabanderahan ng Quezon, 17-2.Segunda ang Zamboanga na may 16-5 card na sinundan ng Batangas. Ang iba pang teams sa grupong south ay ang Cotabato, Paranaque, Binan,Negros , Iloilo, Muntinlupa,Mindoro, Saranggani, Bicol, Bacolod at Imus.
Sa north division naman ay namamayagpag ang Pampanga( 20-1),segunda ang San Juan(18-1), tersera ang Nueva Ecija,17-2 kasunod ang Manila( 15-6),Pasay, Abra, Caloocan,Rizal, Valenzuela, QC,Pangasinan,Marikina, Bataan at Bulacan.
Ang MPBL at PSL champion na Davao ay binubuo ng mga de- kalibreng players na sina Jun Manzo, Ryan Costelo, Winston Ynot, Bon Custodio, Balong Marquez, Mark Olayon,Kurt Lojera, Josh Flores, Justine Sanchez, Bam Gamalinda, Jr Ongtengco, Kelly Nabong, Noel Bonleon at RR de Leon sa timon nina Headcoach Manu iñigo, Assistant coaches Coach Andy Mejos, Coach Noli mejos, Coach Nonoy Bonleon, Coach James Bartolome, Coach Onelle at Coach VL Sandalo habang ang Team Manager ay si Arvin Derla Bonleon at assistant team manager si Joey Protacio.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato