DAVAO OCC.TIGERS COCOLIFE BABALIKWAS ANG BANGIS SA PSL CUP
BUBUWELTA ang Davao Occidental Tigers Cocolife sa kanilang susunod na asignatura sa pagpapatuloy ng Pilipinas Super League President's Cup elimination round.
SPORTS
Danny Simon
12/5/20231 min read


BUBUWELTA ang Davao Occidental Tigers Cocolife sa kanilang susunod na asignatura sa pagpapatuloy ng Pilipinas Super League President's Cup elimination round.
Ang Tigers team na pag-aari ng Bautista clan sa Davao Occidental at suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas ay dumanas ng back-to-back na pagkatalo sa kamay ng koponang Quezon City at ang latest na pagkabigo ay nitong weekend sa lupit ng Nueva Ecija Capitals sa bakbakang idinaos sa Palayan City sa Nueva Ecija.
"Our Tigers will definitely roar once more to score victory in our next assignments, Our team's winning tradition will continue once again, Our boys are learning lesson from these setback as they're determined to bounce back," pahayag ni Davao Occidental Tigers Cocolife team manager Arvin Bonleon.


"I always remind them, sanay manalo ang Davao Occidental Tigers.Kahit saang liga ay nasa playoffs ang Davao palagi.Parati kong binabanggit sa coaches and players, we need to workout lahat. Trust the process. As of now nasa 2-3 record kami but alam ko makaka-bounce back ang team natin at magtutuluy-tuloy iyan," ani pa Bonleon sa panayam.
Ang Davao Occidental Tigers Cocolife ay binubuo nina Jun Manzo, Ryan Costelo, Winston Ynot, Bon Custodio, Balong Marquez, Mark Olayon, Kurt Lojera, Josh Flores, Justine Sanchez, Bam Gamalinda, Jr Ongtengco,Kelly Nabong, Noel Bonleon, at RR de Leon sa timon nina headcoach Manu Iñigo, assistant mentors coach Andy Mejos, coach Noli Mejos coach Nonoy Bonleon,coach James bartolome, coach Onelle at coach VL Sandalo Team manager siArvin Derla Bonleon at assistant si Joey Protacio.
" Palagi kong binabanggit na nasa mabuti silang kamay.Alam natin kung gaano mag-alaga ang Davao Tigers.I've been here since day one ng pagkatatag ng team until now," paniyak ni Bonleon.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato