Davao Ocidental Tigers Cocolife .. HIGH FIVE NGAYONG 2025!

IBABALIK ang winning tradition ng powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife basketball team sa kanilang panibagong kampanya at pakikibaka ngayong taong 2025 and beyond.

SPORTS

Danny Simon

1/10/20251 min read

IBABALIK ang winning tradition ng powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife basketball team sa kanilang panibagong kampanya at pakikibaka ngayong taong 2025 and beyond.

Ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup champion at PSL (Pilipinas Super Ĺeague) 1st Edition titlist Tigers team na paga-ari ng Bautista clan sa lalawigan ng Davao Occidental , suportado ng Dumper Party List at nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty.Elmore Omelas ay determunadong bumalikwas sa kanilang pagsabak partikular sa susunod na edisyon ng MPBL Season '25 matapos na mabiigong idepensa ang titulo ng nakaraang conference.

Ayon ķay Davao Occ.Tigers Cocolfe top honcho Arvin Bonleon ,

marubdob at komprehensibong team building ang kasado na pàra sa kanilang misyong maibalik na ang markadong tradisyong tagumpay ng kinasisindakang Mindanao team ng VIsayas at Luzon.

Ilalatag na ng DavOcc five management ang talaan ng binubuo ng Tigers na pinagkampeon ng prized catch tulad ng kalibre nina Mark Yee, Billy Robles, Rob Celis, John Wilson, Emman Calo, Bonbon Custodio atbp.