IN GOD WE TRUST
Deep Waters ang Bughouse champ.. HATS OFF GM JAYSON GONZALES
TUMANGGAP ng papuri si GM Jayson Gonzales mula sa mga dayuhang bughouse enthusiasts partikular ang promotor ng ibang klaseng chessgame na WR Bughouse Championship na instrumental sa pagdaraos ng naturang fastgame sa Pilipinas.
SPORTS
Danny Simon
6/2/20262 min read


TUMANGGAP ng papuri si GM Jayson Gonzales mula sa mga dayuhang bughouse enthusiasts partikular ang promotor ng ibang klaseng chessgame na WR Bughouse Championship na instrumental sa pagdaraos ng naturang fastgame sa Pilipinas.
Ito’y sa kooperasyon ng NCFP kung saan ay executive director si GM Gonzales at pinamumunuan ni Pres. Butch Pichay at ng presensya ni GM Eugene Torre .
Bongga ang press conference kasunod ang makulay na opening ceremony. Dagsa ang mga kabataang chess players na sumubok at sumabak sa Bughouse tilt na sadyang kakaiba sa standard chess. Kaya pugay ang korner na ito kay GM Jayson sa lkanyang pagsisikap at kikayat upang madala dito sa Pinas ang bagong laro sa pamilya ng ahedres. Sulong BUGHOUSE!
Sa eksena ng aktwal na taktakan sa laro, ginapi nina Isaac Chiu at Janak Awatramani ng Deep Waters sina Andrew Tang at Richard Zheng ng The Angry Birds sa ikatlo at huling laban upang angkinin ang kampeonato sa unang WR Bughouse Championship na ginanap sa Grand Hyatt Hotel sa BGC, Taguig Martes, Hunyo 2,2026.
Ito ang ikalawang titulo nina Chiu at Awatramani bilang magkakampi matapos nilang makuha ang kampeonato sa mas mahigpit na kompetisyon—ang chess.com’s World Championship—noong nakaraang taon.
“Mas matagal na akong naglalaro ng bughouse kumpara sa kanya (Chiu), ngunit nakumbinsi ko siyang makipagtambal sa akin noong 2020,” ani Awatramani.
Dahil sa kanilang tagumpay, nakuha ng Deep Waters ang pangunahing premyo na nagkakahalaga ng $50,000, na mula kay Wadim Rosenstein, ang tagapagtatag ng WR chess. Samantala, nakuntento naman ang Angry Birds sa premyong pangalawang pwesto na nagkakahalaga ng $20,000.
Isang kahanga-hangang pagganap ang ipinakita ng tambalang Chiu at Awatramani. Nanguna sila sa 12 na yugto ng eliminasyon matapos manalo sa kanilang unang 11 laban, bago sila natalo sa kanilang huling laro.
Nina Awonder Liang (na nasa ika-34 na pwesto sa buong mundo) at Eilia Zomorrodian ng Emmy as the goat naman ang tinalo sina Alex Guo at Jimmy Lee ng Mate in 2 upang angkinin ang ikatlong pwesto at ang premyong nagkakahalaga ng $10,000.
Dalawang koponan mula sa Pilipinas ang nakapasok sa quarterfinals—sina GM Darwin Laylo at FM David Elorta ng Palaban, pati na sina Marc Nazario at Vince Angelo Medina. Gayunpaman, pareho silang nakaranas ng masakit na pagkatalo at nakuntento na lamang sa premyong pampasigla na nagkakahalaga ng $2,000 bawat koponan.


Atty. Cris Aspiras, NCFP Chairman /President Cong. Prospero Pichay Jr., Wadim, Janak Awatramani at Isaac Chiu ng Deep Waters na nagwagi sa unang WR Bughouse Championship na ginanap sa Grand Hyatt Hotel sa BGC, Taguig Martes, Hunyo 2,2026.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
