DELANO MAYOR SALUDO SA PINOY SIKARAN TEAM NA MAGPE - PERFORM SA NBA HALFTIME NG GSW
NAGBIGAY- PUGAY si Delano City Mayor Joe L. Alindajao sa SIKARAN Demo team na binubuo ng Filipino - based martial artists na pawang eksperto na sa larangan.
SPORTS
Danny Simon
11/13/20231 min read


NAGBIGAY - PUGAY si Delano City Mayor Joe L. Alindajao sa SIKARAN Demo team na binubuo ng Filipino - based martial artists na pawang eksperto na sa larangan.
Ang naturang grupo ng talented Pinoys ay muling naimbitahang magperfom at mag-demo ng sikat na sa mundong tradisyunal na sport na SIKARAN na nagmula pa sa mga bayan ng Baras, Morong at Tanay noon pang 16th century.
Sa modernong panahon na ngayon,ang larangan ng martial art ay pinalawig sa buong bansa ni Grand Master Hari Osias Catolos Banaag na lalo niyang pinatanyag nang mag-base siya sa Estados Unidos.
Sa timon ni GM Banaag sa naturang historic event, paparada at magpe-perforrm ang Philippine Sikaran Team Demo sa halftime break ng laro ng paboritong NBA team na Golden State Warriors sa Nobyembre 25 na sasaksihan ng libu-libong fans sa Chase Arena , California.
Ang Global SIKARAN Federation Philippine Martial Arts ay naitatag ni Founding Chairman GM Hari Osias Catolos katuwang niya sa USA si Master Crisanto Cuevas at sa Pilipinas sina Master Emmanuel Banaag , Master Manuel Banaag at Master Herman Patino.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato