‘DI NA NATUTO!
ANDIYAN na naman itong si Kapitan inihalal uli,taong bumoto, di na natuto!
OPINION
Danny Simon
10/31/20231 min read


ANDIYAN na naman itong si Kapitan inihalal uli,taong bumoto, di na natuto!
Ilan ulit na bang nautong nasasakupan,pera lang ang katapat ng boto ni Juan
Isang libo lamang tinukso-tukso kapalit ay trono, di na natuto!
Isang terminong dusa, serbisyong habol nyo. asa ka pa, binenta mo...di na natuto!
Isang ngiti na lang, sa nagoyo ni Kapitan, ngising aso naman.
Yakapin kang minsan, kunwari lang, ibinoto uli ang tulisan.
O eto na naman, babalik si Kapitan, ang laki nang puhunan...babawiin yan!...
na walang kalaban- laban!
Walang sisihan, dali ninyong nakalimot, noong pandemya ,si Kap, hayahay ang kanyang buhay ...
High na high na naman si C.A. (Capitan Adik) nyan.
Ang dusa nyo’y tanging inyo lamang...DI NA NATUTO!
Lowcut- Isang halimbawa ng pagiging maginoo sa pagkatalo itong si tsokarang Boy Quisido ng Paco, Maynila. Binabati niya ang mga nagwaging karibal sa pagka barangay chair na si Kapitana Felisa Abor, kagawad elect na sina Marvyn Aquino,Roel Javier,Helen Domulot,Edmar Galoy,Onse Panopio,Marlon Davilio at Richard Cayanan ayon sa pagkakasunod.
Tapos na ang laban. nagpasya na ang kababayan, magkaisa na para sa nasasakupan MOVE ON!
See you kaisport na Boy Quisido sa Sinag Liga Asya.. Mas Masaya!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato