Diving pinatibay ng PAI program
Nakatuon ang programa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) hindi lamang para palakasin ang kampanya ng swimming bagkus maiangat ang kalidad ng mga atleta mula sa iba pang sports na nasa pangangasiwa nito sa international competition. Ibinida ni PAI Executive Director Anthony Reyes na masinsin ang liderato nina President Miko Vargas at Secretary-General Eric Buhain kaakibat ang Philippine Sports Commission (PSC) upang maibigay sa lahat ng atleta ang pangangailangan mula sa allowances, training at international exposure.
SPORTS
Enjel Manato
5/22/20252 min read
Nakatuon ang programa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) hindi lamang para palakasin ang kampanya ng swimming bagkus maiangat ang kalidad ng mga atleta mula sa iba pang sports na nasa pangangasiwa nito sa international competition.
Ibinida ni PAI Executive Director Anthony Reyes na masinsin ang liderato nina President Miko Vargas at Secretary-General Eric Buhain kaakibat ang Philippine Sports Commission (PSC) upang maibigay sa lahat ng atleta ang pangangailangan mula sa allowances, training at international exposure.
“Kakayanin natin na mapagtagumpayan na maiangat ang swimming dahil sa maayos na programa ng PAI sa tulong ng PSC at ng buong swimming community. Mula ng mabuo ang PAI, sunod-sunod ang tagumpay natin hindi lamang sa swimming kung hind imaging sa artistic swimming, water polo, open swimming at sa diving,” pahayag ni Reyes sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Badminton VIP Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.
Kabilang sa unti-unting pagbabalik sa pedestal ang diving bunsod ng matatag na kampanya sa abroad kabilang ang katatapos na 2nd Parisakti Diving International Competition sa Indonesia kung saan nasungkit ng 20-anyos si Rose Ann Ocmer ang isang gintong medalya (open platform) at bronze medal (1m open event).
Bago ito nakapaguwi na rin ng medalya ang senior high school student sa ibang ibang international competition sa Singapore, Malaysia at HongKong na nakalipas na taon.
“Talaga pong nagpupursige kami sa training. Gusto naming matumbasan ng tagumoay ang sakripisyo ng aming mga opisyal gayundin ng ating mga kababayan. Sa maayos naliderato ng PAI nakakabalik na kami sa regular training at unti-unti nababalik na yung kumpiyansa naming na medyo bumaba dahil sa mga naging kabiguan amin sa nakalipas na torneo,” pahayag ni Ocmer patungkol sa nakadidismayang kampanya ng diving team sa nakalipas na SEA Games.
Inamin naman ni PAI Director at diving head Marie DeCastro Dimanche na napakahirap makakuha ng atleta sa diving sa kabila ng hindi matatawarang bilang ng mga talento mula sa lalawigan.
“First, limitado ang ating training venue kaya sa ngayon dito kami sa Manila naka-concentrate, dahil sa Rizal memorial diving pool ang pinakamalapit. Yung sa Ultra inaayos na dahil wala kaming land training doon samantala sa Clark masyadong malayo para sa ating mga atleta na lahat nag-aaral sa Manila at puro under-age pa,” pahayag ni Dimanche.
Sa kabila nito matatag, pursigido at determinado ang mga atleta sa pangangasiwa nina Chinese Coach Gui at Olympian na si Rexcel Fabriga.
“Maraming talent sa probinsiya pero huirap kaming makumbinsi ang mga parents na dalhin sila sa Manila. Hindi naman kami makaalis sa Manila para mag-training dahil nandito sila nag-aaral. One thing for sure, determinado ang ating mga atleta na makabawi sa Sea Games kaya may tatlong international exposure pa kami at training possibly sa China,” sambit ni Dimanche.
Ikinalugod naman ni Reyes ang patuloy na pag-angat sa world ranking ng ilang ‘elite’ athletes sa swimming tulad nina Kyla Sanchez, Ciandi Chua, Alexander Eichler at Gian Santos na pawang kwalipikado na sumabak sa World Championship sa Hulyo.
“Yung iba nating elite swimmiers may kanya-kanyan training sa abroad tulad nina SEA Games champion Chloe Isleta (Australia), Jamine Mojdeh at Heather White (US). Pero sa August, kailangan nilang umuwi muna para sa National tryouts for the selection of the PH team sa Sea Games this December,” ayon kay Reyes.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato