IN GOD WE TRUST
Doktrina ng Pagiwas ng Konstitusyonalidad ginamit sa pag dismiss ng Korte Suprema sa mga petition laban sa NCAP
Kadalasan kapag na dismiss ang kaso ay akala ng iba talo ang kaso. HINDI PO.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
7/11/20261 min read


Kadalasan kapag na dismiss ang kaso ay akala ng iba talo ang kaso. HINDI PO.
Kailangan suriin mabuti ang dahilan ng pagbasura ng kaso. Tulad sa NCAP, ang issue kung labag ba sa Saligang Batas ang pagpatupad ng sarili nilang NCAP sa kanilang sinasakupan ay hindi na dinisisyunan ayon sa merito ng kaso DAHIL THE ISSUES RAISED HAVE BECOME MOOT AND ACADEMIC because of the adoption of a new and uniform traffic enforcement framework under the METRO MANILA TRAFFIC CODE OF 2023. Ibig sabihin dahil hindi na ang mga lokal NCAP ordinance ang pinatutupad, kung hindi yun bagong TRAFFIC CODE na hindi naman yun ang issue ng mga petitions ay dinismissang kaso. Ginamit ng Korte Suprema ang doktrina sa pagiwas ng konstitusyonalidad . Bakit naman umiwas ang Korte Suprema? Dahil sa ilalim ng doktrina kung puede madesisyunan ang issue ng hindi ni reresolve ang constitutional question ay hindi tatalakayin ng Korte Suprema ito. Tulad sa issue ng NCAP naging moot and academic na. So, declared ba na valid ang mga NCAP ORDINANCE ng mga LGUS dahil dismiss ang kaso? HINDI PO.
The dismissal of the petitions does not constitute a ruling that the challenged NCAP Issuances are valid.
So kung ganoon, paano yun mga may mga hindi pa nabayaran na NCAP fines na sinisingil ng mga LGUs sa ilalim ng mga ordinansa nila? O paano kung may mga reklamo ang mga motorista sa bagong NCAP na pinatutupad ng MMDA? Ang sagot ng Korte Suprema ay " the dismissal does not bar future challenges if the revised NCAP system later gives rise to an actual controversy. So, maari pa rin i challenge ang bagong NCAP.
Pero iwan muna natin ang usapin sa NCAP at itira natin yun DOKTRINA NG PAGIWAS NG KONSTITUTIONALIDAD.
Kung sakaling may mga petitions na isampa sa Korte Suprema tungkol sa constitutionality na related sa impeachment ni VP Sara ay gamitin kaya and doktrinang ito at iwan naka lutang ang issue?
If there is a grave violation of the Constitution or significant public interest involved sa tingin ng LCSP -
Ang KORTE SUPREMA ay hindi hahayaan ang tahasang paglabag ng Saligang batas!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
