IN GOD WE TRUST

DOLE, IPATUPAD NA ANG WAGE HIKE HANGGAT WALA PANG BOND NA PINOPOST PARA SA WRIT OF PRELIMINARY INJUNCTION

Nag issue ang RTC ng Pasig City ng resolution na granted ang preliminary injunction na hinihingi ng mga nagdemanda para ipatigil ang pagpapatupad ng wage hike na P85 PESOS.

OPINION

ATTY. ARIEL INTON

8/21/20261 min read

Nag issue ang RTC ng Pasig City ng resolution na granted ang preliminary injunction na hinihingi ng mga nagdemanda para ipatigil ang pagpapatupad ng wage hike na P85 PESOS.

PERO PARA MA ISSUE ANG MISMONG WRIT AY NAG REQUIRE ANG HUSGADO NA MAG POST NG P10 BILLION PESOS BAGO MA ISSUE ANG MISMONG WRIT OF PRELIMINARY INJUNCTION.

Ibig sabihin walang P10 billion pesos, walang WRIT at mapapatupad ang wage hike.

Para saan ang bond na P10 billion pesos?

Ito ang sasagot sa "all damages which may be sustained by reason of the injunction if the Court finally decides that the applicant is not entitled thereto"

Ibig sabihin kung pagtapos ng hearing at napatunayan na hindi dapat pinatigil ang implementation ng wage hike at may damage sa mga mangagawa yung P10 billion pesos bond ang sasagot sa mga damages.

Pero yun bang mga nagdemanda na pawang mga construction companies ay may cash na ten billion pesos para iprenda bilang bond? Ang gagawin nila ay kukuha sila ng surety bond para i post ito at babayaran nila ang premium.

Sinong bonding company ang kaya at willing magbayad ng ten billion pesos kung sakaling matalo ang mga nag demanda?

At aaprubahan ba ng Court agad ang surety bond? Dapat siguraduhin ng Court na kaya talaga ng bonding company magbayad ng ten billion pag nanalo mga mangagawa. Baka paasa lang yan.

Hanggat wala pang bond, wala pang writ of preliminary injunction. At hindi forever maghihintay ang DOLE na mag file ang mga nagdemanda. THEY SHOULD FILE WITHIN A REASONABLE TIME.

At dahil wala pa, sa tinggin ng LCSP ay maari pa rin ipatupad na ng DOLE ang wage hike order.

Sa ngayon ay may motion for reconsideration ang DOLE sa desisyon ng husgado. Pero kahit meron yun at nakapag post ng bond ay ma iissue ang writ of preliminary injunction.

Kawawa ang mangagawa. Mukhang paasa nanaman sa pangakong napapako.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...