Don Pacundo Sealions papasiklab sa Sinag@Lakas Kwarenta

IAARANGKADA na ng Sinag Liga Asya ang isa sa centerpiece event nitong Sinag @ Lakas Kwarenta - bakbakan ng mga batikang basketbolistang nasa edad 40 pataas.

SPORTS

Danny Simon

10/20/20231 min read

IAARANGKADA na ng Sinag Liga Asya ang isa sa centerpiece event nitong Sinag @ Lakas Kwarenta - bakbakan ng mga batikang basketbolistang nasa edad 40 pataas.

Ayon kina SLA chairman Rocky Chan at president Ray Alao,ang naturang age group na laro ay pasakalyeng conference bago ang tampok na inter-scholastic league ng SLA.

Matapos ang makulay na pambungad seremonya at parada ng mga koponang kalahok sa Ynares Sports Center sa Pasig ay maghaharap sa buwenamanong laro ang Mc Sports Management kontra GDL Construction saktong 5:OO ng hapon na susundan ng tunggaliang Cavite Don Pacundo Sealions vs VPD Trading, mismong ika -7 ng gabi.

Sa panayam noong nakaraang Sinag Press Conference ng liga sinabi ni Sealions top brass Catherine Laron na hangad ng kanilang koponan na ipagpatuloy ang winning tradition ng team na itinimo ni playing owner Jimwell Laron.

Ang Don Pacundo Sealions ay binubuo ng mga palabang mandirigma mula Laguna at Mindoro na determinadong ipanalo ang bawat haharaping kalaban sa Sinag@Lakas Kwarenta.

“ Ang koponan po ay pinagsamang Don Pacundo ng Laguna at Sealions natin at ang mga manlalaro na ilan taon na ring magkakasama ay nakapabigay na ng 7 ­kampeonato, kaya malakas ang loob namin na sumali dito upang ipagpatuloy ang winning tradition. Magpapawis at bring home the bacon,” pahayag ni Gng.Laron.

Ang SLA season sa teknikal na aspeto ay sa timon ng batikang si Boy Quisido (aspirante para chairman ng Bgy 824 Zone 89 sa Maynila).

HANDA na ang Don Facundo SEALIONS ng Laguna sa giyera ng SINAG SAYA@ CUARENTA basketball tournament ng Sinag Liga Asia. Iprinisenta ni team top brass Catherine Laron sa press conference sa Pasay City katuwang ang coaching staff, ang kanilang koponan na kontender sa liga.Nasa larawan sina SLA chairman Rocky Chan,president Ray Alao ,executive director Leo Isaac at commissioner Rodney Santos. (MCS)