DON PACUNDO SEALIONS SINAGPANG ANG MC SPORTS SA SINAG@40

NAGPAMALAS ng bangis at di nagpatinag sa malakas na kalaban upang kumbinsidong daigin ng Don Pacundo Cavite Sealions ang mapanganib na Mc Sports Management,84-72 sa pagpapatuloy ng Sinag Liga Lakas Kwarenta kagabi sa One Arena , Cainta, Rizal.

SPORTS

Danny Simon

11/27/20232 min read

NAGPAMALAS ng bangis at di nagpatinag sa malakas na kalaban upang kumbinsidong daigin ng Don Pacundo Cavite Sealions ang mapanganib na Mc Sports Management,84-72 sa pagpapatuloy ng Sinag Liga Lakas Kwarenta kagabi sa One Arena , Cainta, Rizal.

Mas nangibabaw ang bilis ng Sealions nina coach Jemuel Laron at Danny Billones laban sa trianggulo nina ex- pro Richie Melencio , Wynne Arboleda at Mike Capistrano upang itala ang ikatlong panalo sa torneong inorganisa ng Sinag Liga Asya sa pamumuno nina chairman Rocky Chan, president Ray Alao at commissioner Rodney Santos.

Dikitan ang laban hanggang third quarter pero nabago ang momentum sa pagka- eject sa playing court ni Sealion frontliner Dexter Gobis sa kanyang ikalawang technical foul.

Ang koponang Don Pacundo Cavite Sealions 3-1 sa Sinag Liga Lakas@40.( kuha ni Menchie Salazar)

Sa halip ay tumaas ang adrenaline ng tropa ni coach Jemuel Laron nang ilatag nito ang run ang gun at outside shooting upang tapatan ang lakas sa ilalim nina Richie Melencio at Dennis Lim at ang accurate play orchestration ni Wynne Arboleda.

" Motibasyon ko sa ating Sealions ay go all the way, walang petik-petiks dahil malalakas ang kalaban.Kahit lamang kami sy di dapat magkumpiyansa. It ain't over till it's over.Our boys delivered even on Sunday", wika ni coach Laron na nagpasalamat sa kanyang mga manlalaro,sa counterparts niya sa Don Pacundo at sa maybahay niyang co- team owner Catherine Laron at kay Ryan Dalosa.

Abante ng dose puntos ang Sealions dahil sa pasiklab na battle of treys sa papatapos na ikatlong yugto pero hindi pa kumpiyansa si Laron dahil sa kakayahang bumalik ng tropa ni coach Ronald Magtulis ng Mc Sports.

Sinag best player of the game si Sealion Mark Marco na may 13 pts-17 reb- 2 blk katuwang sina Jay Rojas(13),Edgar Ting (13),Dennis Cruz(9), Emerson Navalta(😎,Aris Tubla(4) at Dalosa na may 4 points output.

Kaagapay din sina bench tacticians Dwight Manuel at Ryan Rodriguez at team managers Francisco Ocampo at Dean Banzon para sa Sealions.

Nanguna para sa losing coach ng Mc Sports si Melencio na may 28 big points.