DR. EO BATALAN PHD (HC) AT FFCI PREXY, GUEST SPEAKER NG 9TH MOVING UP AT GRADUATION CEREMONY NG VNHS SA NEGROS ORIENTAL
MATAPOS ang mahabang panahon ay nagbabalik sa kanyang alma mater si businessman/civic leader EO Batalan bilang isa nang guest speaker ng kambal na okasyong 9th Moving Up Ceremony at 7th Graduation Ceremony sa Valencia National High School na nasa Bong-Ao, Valencia, Negros Oriental .
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
6/2/20242 min read


MATAPOS ang mahabang panahon ay nagbabalik sa kanyang alma mater si businessman/ civic leader EO Batalan bilang isa nang guest speaker ng kambal na okasyong 9th Moving Up Ceremony at 7th Graduation Ceremony sa Valencia National High School na nasa Bong-Ao, Valencia, Negros Oriental .
Gaano man ka-abala ang schedule ng kasalukuyang Pangulo ng Filipino Family Club, International (FFCI) Inc. Worldwide na si G. Batalan ay sinikap niyang makarating nang personal sa pinaunlakang imbitasyon mula sa pamunuan ng paaralan na naging gabay niya noon tungo sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon sa kanyang propesyon kabilang na ang pagiging worldwide president ng FFCI na itinatag naman ni humanitarian champion Francis Leo Marcos.
Kaugnay nito ay ginawaran si Eduveges O. Batalan, CSMS, PhD (HC) ng Cerificate of Recognition for providing inspiration to school completers and to the success of the occasion na may temang "Kabataang Pilipino Para sa Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas na pirmado nina G. Radigundo B.Nesnia-Teacher III /LDEV President at Joel T. Genel - Principal.
Certificate of Appreciation naman ang iginawad ng Department of Education Region VI Central Visayas, Schools Division Negros Oriental, Valencia District , Valencia National High School -Senior High School for Dr.Batalan's unending support to the graduates of 2024 as the guest speaker of 7th Graduation Ceremony ( May 29,2024)at Bong-Ao, Valencia, Negros Oriental na may lagda nina Arlyn Laguras-SHS TIC at Principal Genel.


Ang guest speaker ng Moving Up at Graduation Ceremony ng VNHS sa N.O. kasama sina Principal Joel Genel (kanan) at Teacher III/lDEV Pres. Redigundo Nesnia.




" Isang karangalan ang ma-recognize at ma- appreciate ng ating alma mater at Kagawaran ng Edukasyon ang ganitong gawad- parangal at magsilbi nawang inspirasyon ito sa ating mga kabataang mag-aaral sa ating bayan," wika ni Dr. Batalan sa panayam ng GILASNews.




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato