DR. FRANCIS LEO ANTONIO MARCOS (PHD) D.HUM.HONORIS CAUSA

DI man hangarin, kusang ginagantimpalaan ang mabuting gawain. Ang tanyag na humanitarian advocator, pilantropo ng masa at bayani ng pandemya ay nakamit kahapon ang isa na namang milestone sa kanyang buhay.

NEWS

Danny Simon

1/13/20242 min read

DI man hangarin, kusang ginagantimpalaan ang mabuting gawain.

Ang tanyag na humanitarian advocator, pilantropo ng masa at bayani ng pandemya ay nakamit kahapon ang isa na namang milestone sa kanyang buhay.

Ang pamosong Pilipino na si FRANCIS LEO ANTONIO MARCOS PhD(D.Hum.Honoris causa) ay pumarada sa pulang alpombra bilang tampok na nagtapos sa kanyang pinagsunugang kilay na pinagbunyi ng kanyang milyun- milyong followers worldwide 'for graduating the Doctorate of Humanities and Doctorate of Philosophy kung saan ang kanyang 'Certificate' o ' Diploma' ay kaloob ng Cambridge Training College of London, Great Britain.

Kalakip sa kalatas ang 'Doctor of Humanities is humanities education doctorate degree.The form of education that is a superior level that emphasizes student- teacher connections, sophisticated research methodologies and a higher- level curriculum.

Nakuha ni Dr.Marcos ang kambal na kursong 'Humanities at ' Philosophy tampok ang kanyang perpektong tamang kasagutan sa pahirapang pagsusulit na isang pambihirang peat para sa higit 200 examinees kung saan ay 37 lang ang magiting na pumasa na pinamayagpagan niya.

" Dr.Francis Leo Antonio Marcos has been awarded Most Inspiring Filipino Philanthropist and the Pandemic Hero during the pandemic to receive his PhD in Humanitarian Major in Social Services and Community Development ang tanghal ng master of ceremony habang inilalapat sa ulo ang kanyang toga at chord sa balikat at tinatanggap ang kanyang diploma.

' Give honor to whom the honor is due"

Ang matayog na karangalan ay inihahandog ni DRFLAM sa kanyang masugid na tagasubaybay sa buong mundo at pinasasalamatan ang Poong Lumikha sa kanyang nakamit na karangalang kaakibat ay napakalaking responsibilidad para sa mahal na Sambayanang Pilipino.

' I will not let you down", wika ni Dr. Marcos na tiniyak ang pagpapatuloy ng kanyang noble endeavor para sa Sangkatauhan.

Napasama rin sa 'magic' 37 ang doctorate degree holder na ring si EO Batalan, PhD na pangulo ng Filipino Family Cub International , Inc. Worldwide na kaagapay ng topnotch double degree ' Humanity and Philosophy' holder na si Dr. FLAMarcos sa pagtulong sa mga kababayang nasa laylayan ng lipunan.

Ilan lang sa mga kasabay na nagtapos ni Dr. Marcos ay national president ng The Fraternal Order of Eagles( TFOE) The Philippine Eagles,Inc.,Dean ng mga Kolehiyo at Unibersidad, matataas na Opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at iba pa.

Dr.Francis Leo Antonio Marcos-Honoris Causa!