Dra Risa Caldoza bagong Direktora sa FTI ng DA

DIREKTORA si Doktora.Itinalaga kahapon si Dra.Risa Caldoza bilang Director ng Food Terminal Incorporated ( FTI), isang ahensiya ng pamahalaan na nasa payong ng Department of Agriculture (DA).

NEWS

Danny Simon

2/12/20241 min read

DIREKTORA si Doktora.Itinalaga kahapon si Dra.Risa Caldoza bilang Director ng Food Terminal Incorporated ( FTI), isang ahensiya ng pamahalaan na nasa payong ng Department of Agriculture (DA).

Ang multi-awarded dermathologist at Mrs. Tourism International 2017 queen ay nanumpa sa tungkulin kasama ang iba pang appointees kay DA Secretary Francisco 'Kiko' Laurel, Jr. sa kanyang tanggapan sa Quezon City.

SI Dra. Risa Caldoza matapos manumpa sa tungkulin bilang FTI Director kay Agriculture Secretary Francisco 'Kiko' Laurel.

Ang mga bagong nombrang opisyal ng FTI sa kanilang oath taking kay DA Sec. Kiko Laurel, Jr.

"Taos PUSO ang aking pasasalamat sa tiwalang kaloob sa inyong lingkod at makakaasa po kayo na aking gagampanan ng ayon sa inyong ekspektasyon o higit pa bilang lingkod- bayan at bahagi ng administrasyon ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos .

Maraming salamat po kay Kalihim Laurel at pugay sa aking mga kasamang nanombrahang opisyal din ng FTI", pahayag ng kampeong humanitarian advocator, civic leader, lady Eagle at isang Army Reservist.

Ang alagad ng medisina, beauty queen turned public servant na si Dra. Caldoza ay dinagsa ng congratulatory messages

maging sa social media at in person kung saan ay tampok ang pagbati sa kanya ni TGP Party List Representative Cong. Bong Teves, Jr. matapos ang oath taking.

Malugod na pagbati kay newly appointed FTI Director Dra. Risa Caldoza mula kay TGP Party List Representative Cong. Bong Teves, Jr.