Dragon Boat sa TOPS usapang Sports
Ang kahandaan ng atletang Pinoy at ng lalawigan ng Palawan sa hosting ng World Dragon Boat Championships ang sentro ng talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Spirts’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.
SPORTS
Enjel Manato
9/11/20241 min read


Ang kahandaan ng atletang Pinoy at ng lalawigan ng Palawan sa hosting ng World Dragon Boat Championships ang sentro ng talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Spirts’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.
Magbibigay ng pinakabagong kaganapan sa paghahanda ng bansa sa pinakamalaking torneo sa sports ng Dragon Boat ang mga opsiyal ng Philippine Canoe-Kayak Dragon Boat Federation (PCKDF) sa pangunguna ni coach Len Escollante sa lingguhang sports forum ganap na 10:30 ng umaga.
Kabilang ang Dragon Boat sa sports na nagbibigay ng karangalan sa bans amula sa mga tagumoay sa international championships at ang hosting ng World Championship ay isang malaking pagkilala ng international community sa kakayahan ng Pinoy.
Inaaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga opisyal at miyembro ng makiisa sa talakayan sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at Pocari Sweat, at mapapanood via livestreaming sa TOPS Facebook page at sa Channel 8 ng PIKo (Pinoy Ako)_ -- ang pinakabagong network mobile apps na libreng mada-download sa android mobile phone.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato