DR.CHITO COLLANTES PHD NG CWSS PH CANADA

Remember Dr. Chito Collantes PhD aka DocChito?

OPINION

DANNY SIMON

5/22/20251 min read

Remember Dr. Chito Collantes PhD aka DocChito?

Kilala siyang successful businessman / sportsman/ philanthropist at civic leader sa Canada partikular pag andito siya sa Pilipinas.

Isa siyang prominenteng pigura sa PBA noong dekada '90 tulad ng kanyang compadreng si super players' manager Danny Espiritu at opkors darling of the press kaya laging pokus ang kamera sa kanya at parating naaambush interview tuwing nasa astrodome at big dome.

Marami siyang mga naagapayang potensyal na amateur players/ cagers patungong pro na ngayon ay may kanya-kanya nang mabuting buhay sa lokal man at abroad.

Siya ang team owner ng multi-titled CWSS Flames sa Metro Manila commercial leagues maging sa Toronto, Canada ay powerhouse ang kanyang Flames sa mga liga doon.

Itinatag niya ang M24 na nagpalawig ng mga socio sibikong outreach program ng Maharlikans sa Luzon, Visayas hanggang Mindanao.

Hanggang sa kasalukuyan ay may mga natulungan na din siyang mga deserving young scholars sa bansa at marami na sa mga naging protegees niya ay natupad ang mga pangarap at nakarating na sa Toronto at iba pang key cities na pawang may magaganda nang trabaho sa pamamagitan ng kanyang institusyon nang Canada Worldwide Student Services—CWSS ( Philippines/ Canada).

Si Doc Chito rin ang publisher ng HOY- Hope of the Youth NewsMagazine kung saan ang inyong lingkod ang hepeng patnugot (chief editor) Manila/Toronto edition.

Updated din siya sa politics dito sa 'Pinas kung saan ay nangunguna siya sa worldwide clamour na pauwiin si FPRRD na isinuko ng pamahalaan sa Netherlands kaya nakadetine sa hangga ngayon sa ICC -The Hague sa bintang na crime against humanity umano.

Ngayon ay nagsanib -puwersa ang HOY News Magazine at ang ating GILAS News na consistent nang matutunghayan sa PInas at Canada sa madaling hinaharap.

Lalarga na muli ang inyong eksplosibong media partner na HOY katuwang ang GILAS...ABANGAN!